13/10/2026
Triskelion International New Zealand (TINZ) Receives Certificates of Charter Signed by the Founding Fathers of Tau Gamma Phi, through Tau Gamma Phi - Global East Overseas Leadership
Pagkatapos ng tatlong araw ng leadership program, TDAP training (natatanging Acceptance Process ng Tau Gamma Phi), selebrasyon ng ika-58 Anibersaryo ng TGP, at pagbabalik-tanaw sa tunay na kasaysayan ng ating Kapatirang Tau Gamma Phi, kasama ang mga talakayan tungkol sa ating mga prinsipyo bilang isang Kapatiran, at mga araw na punong-puno ng kasiyahan, samahan, at kuwentuhan bilang magkakapatid, nakatanggap ang mga Chapters ng TINZ ng kanilang Certificates of Charter, na pirmado mismo ng ating mga mahal na Founding Fathers at ipinagkaloob sa pamamagitan ng Tau Gamma Phi - Global East Overseas Leadership.
Ang pagkakaroon ng Charter ay pormal na pagkilala sa isang Chapter bilang bahagi ng Kapatirang Tau Gamma Phi. Pinagtitibay rin nito ang tungkulin ng bawat Chartered Chapter at mga miyembro nito na itaguyod at isabuhay ang mga prinsipyo at pagpapahalagang nakapaloob sa ating Tenets and Code of Conduct. Mula sa UP Diliman, kung saan itinatag ng ating Founding Fathers ang Tau Gamma Phi noong October 4, 1968, hanggang sa mga Chapter sa ibaโt ibang panig ng mundo, mahalagang mapanatili ang tunay na kasaysayan, mga adhikain, at integridad ng ating Kapatiran. Sa pamamagitan ng maayos na pagkilala at chartering ng mga Chapter, naipagpapatuloy natin ang bisyon ng ating Founding Fathers at naitataguyod ang isang mas nagkakaisa at responsableng Kapatiran.
Ang pagiging chartered ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng opisyal na pagkakakilanlan; ito ay pagtanggap sa responsibilidad na pangalagaan ang pangalan ng Tau Gamma Phi, panindigan ang ating mga prinsipyo, protektahan ang ating tunay na kasaysayan, at ihanda ang susunod na henerasyon ng mga Triskelion.
Bukod dito, ang bawat miyembro ng isang kinikilalang Chartered Chapter ng Tau Gamma Phi ay magkakaroon ng libre at panghabambuhay na Triskelion Serial Number. Ito ay magsisilbing permanenteng pagkakakilanlan ng bawat Triskelion upang mabawasan ang pangangailangan sa paulit-ulit na beripikasyon ng pagiging miyembro at makatulong na maprotektahan ang mga lehitimong Triskelion laban sa mga maling paratang, pangha-harass, pananakot, at di-makatwirang pagtanggi sa kanilang pagkakakilanlan. Pinagtitibay nito ang prinsipyo na ang bawat lehitimong Triskelion ay nararapat kilalanin, igalang, at protektahan.
Congratulations, TINZ! Nawaโy patuloy ninyong isabuhay ang diwa ng tunay na Tau Gamma Phi at maging huwaran ng Brotherhood & Sisterhood, Leadership, and Service sa New Zealand.
From UP Tau Gamma Phi Diliman to Triskelions around the globe, iisa at nagkakaisang Kapatiran, united by our Tenets and Code of Conduct.
Ace Echo Quijada