29/06/2026
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-29 na Kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo, nagsagawa po ang TGP/TGS PH7 Isang Lahi Community Chapter ng mga palaro para sa mga bata sa ating nasasakupang Chapter. Kahit sumapit na ang gabi, nanatili pa rin ang kanilang sigla, pakikilahok, at pakikiisa sa bawat aktibidad na aming inihanda.
Lubos pong nakakataba ng puso ang makita na taon-taon ninyo kaming inaabangan at patuloy na sinusuportahan sa aming mga palaro tuwing kapistahan ng ating komunidad. Ang inyong mainit na pagtanggap at pakikiisa ang nagsisilbing inspirasyon upang ipagpatuloy namin ang paglilingkod sa ating lugar.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa lahat ng aming mga kapatid sa TGP/TGS PH7 Isang Lahi Community Chapter na buong pusong naglaan ng Oras at kanilang mga pledge at ambag. Dahil sa inyong suporta, nakalikom tayo ng sapat na pondo na naging daan upang maisakatuparan ang ating mga proyekto, mga palaro, at libreng food trip para sa mga bata sa ating komunidad.
Mula po sa buong pamunuan ng TGP/TGS PH7 Isang Lahi Community Chapter, maligayang kapistahan po sa ating lahat! Nawa'y nabigyan namin ng saya at magagandang alaala ang inyong mga anak sa pamamagitan ng aming mga inihandang palaro at libreng pagkain.
Binabati rin po namin ang lahat ng mga batang nagwagi sa iba't ibang palaro at nakatanggap ng cash prizes. Hangad namin na muli tayong magkita at magsama-sama sa mga susunod pang programa at gawaing pangkomunidad.
Maraming salamat po sa inyong tiwala, suporta, at pakikiisa. Mabuhay ang ating komunidad, at Happy Fiesta sa ating lahat! 🎉🎊
-CHAPTER OFFICERS