18/08/2026
Magandang Buhay! 🌿
Narito ang TALASALITAAN #18
SALUMPUWIT (Pangngalan)
Kahulugan: Upuan
Ang salitang "salumpuwit" ay tumutukoy sa isang upuan. Ito ay hango sa salitang "salo", o tagasalo ng likuran o hulihan. Ang salitang ito ay madalang na gamitin dahil sa mga katumbas nitong mga salitang Espanyol na "silya" o "bangko".
Bilang mga g**o, tayo ang aasahan sa loob ng silid-aralan. Trabaho nating ayusin ang mga upuan at linisin ang mga silid, at kailangan nating maging ligtas na malalapitan at masasandalang mga g**o ng ating mga mag-aaral. Dahil kailangan nating tila maging salumpuwit sa kabila ng pagod na kanilang haharapin upang mapanatiling angkop ang ating mga silid at sarili para sa kanilang pag-aaral.
💬 Ikaw, paano mo gagamitin ang salitang “salumpuwit” sa isang pangungusap? Ibahagi ang iyong sagot sa comment section!