06/09/2026
Isang mabigat na anunsyo, BASCIANS!
Noong Setyembre 3, 2026, pormal na inihain ni Hon. Jairus Jireh DC. Sayson, Student Trustee, BASC Board of Trustees, sa Office of the Board Secretary ng Bulacan Agricultural State College ang panukalang โProposed Revision to BASC Board of Trustees Resolution No. 24-1625 on the Minimum Grade Requirements for the Grant of Latin Honors and Academic Distinction Awards.โ
Layunin ng panukalang ito na amyendahan ang umiiral na minimum grade requirements para sa pagkakaloob ng Latin Honors at Academic Distinction Awards, bilang tugon sa mga usaping kinahaharap ng mga mag-aaral kaugnay nito.
Subalit, bago pa man sumapit ang dilim, napagpasyahan nang bawiin ang naturang panukala. Isa sa mga kinakailangang kalakip upang maisulong ang panukala sa agenda setting ay ang liham ng pag-endorso mula sa administrasyon. Sa kawalan ng naturang endorsement, hindi na maaaring maipagpatuloy ang proseso sa yugtong ito. Dahil dito, minabuti nang pormal na bawiin ang proposal sa halip na ipagpatuloy ang isang prosesong hindi pa kumpleto ang mga kinakailangang rekisito.
Ang WITHDRAWN na bersyon ng dokumento ay hindi nangangahulugang isinantabi na ang usapin. Nangangahulugan lamang itong binawi ang kasalukuyang inihain na panukala upang maisagawa muna ang mga kinakailangang proseso at dokumento bago ito muling maisulong.
Para sa inyong mga katanungan, paglilinaw, o karagdagang impormasyon, bukas ang Office of the Student Trustee upang makinig at magbigay ng kaukulang tugon.
Ang usapin ay hindi nagtatapos sa isang WITHDRAWN na dokumento. Mananatili itong nakabimbin upang maipagpatuloy at maisulong sa pamamagitan ng mga susunod na kinatawan ng mga mag-aaral. Sapagkat sa pagkamit ng mataas na pamantayan, kaakibat nito ang pagpapanatili ng kalidad ng edukasyon at pagsusulong ng kapakanan ng bawat BASCIAN.
Hon. Jairus Jireh DC. Sayson
Student Trustee
BASC Board of Trustees