CBSUA Sentro ng Wika, Kultura at Sining

  • Home
  • CBSUA Sentro ng Wika, Kultura at Sining
Contact the university

CBSUA Sentro ng Wika, Kultura at Sining Sentro ng Wika, Kultura, at Sining (SWKS)

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗠𝗔, 𝗦𝗜𝗥 𝗕𝗢𝗡𝗚! 🧔🏽💙Ang Sentro ng Wika, Kultura, at Sining (SWKS) ay tahanan ng iba'...
21/06/2026

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗠𝗔, 𝗦𝗜𝗥 𝗕𝗢𝗡𝗚! 🧔🏽💙

Ang Sentro ng Wika, Kultura, at Sining (SWKS) ay tahanan ng iba't ibang talento na hinubog hindi lamang ng panahon kun'di ng mga tao sa likod nito—isa na rito si Dr. Leopoldo R. Transona Jr. o mas kilala bilang si Sir B**g. Hindi lamang siya Direktor ng SWKS, bagkus siya ang itinuturing na ama ng wika, kultura, at sining ng unibersidad. Siya ang haliging tumatayo para sa mga kakayahang humuhubog sa ating pagkakakilanlan. Siya ang gabay na nagtuturo hindi lamang ng sining kun'di pati na rin ang disiplina, malasakit, at pagmamahal sa sariling wika at kultura.

Sir B**g, maraming salamat po sa pagiging pangalawang ama para sa amin at sa pagtitiwala sa aming mga kakayahan. Dahil saiyong pamumuno at pag-ibig, ang SWKS ay hindi lamang isang opisina, kun'di ito ay nagiging isang malaking pamilya na sa amin ay kumakalong. Ngayong araw ng mga ama, tanggapin mo po ang aming pagpupugay, paggalang, at pagmamahal. Karapat-dapat po kayo sa lahat ng mabuting biyaya na ipinagkakaloob ng Maykapal.

Mula sa lahat ng organisasyon sa ilalim ng SWKS, binabati po namin kayo ng isang maligayang pagdiriwang ng Araw ng mga Ama! Patuloy nawa kayong pagpalain ng Poong Maykapal. Mabuhay po kayo, Sir B**g!

𝑴𝒖𝒍𝒊, 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒚 𝒇𝒂𝒕𝒉𝒆𝒓’𝒔 𝒅𝒂𝒚 𝒑𝒐, 𝑺𝒊𝒓 𝑩𝒐𝒏𝒈! 🙌🏼✨

𝗣𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗜𝗕𝗔𝗬𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗪𝗜𝗞𝗔 𝗔𝗧 𝗞𝗢𝗠𝗨𝗡𝗜𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡! 📚✨“𝘚𝘢 𝘸𝘢𝘴𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘶𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯...
21/06/2026

𝗣𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗜𝗕𝗔𝗬𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗪𝗜𝗞𝗔 𝗔𝗧 𝗞𝗢𝗠𝗨𝗡𝗜𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡! 📚✨

“𝘚𝘢 𝘸𝘢𝘴𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘶𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯,
𝘚𝘢 𝘸𝘪𝘬𝘢 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘣𝘶𝘭𝘶𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘨𝘯𝘢𝘺𝘢𝘯,
𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢’𝘺 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘬 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘶𝘯𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯,
𝘈𝘵 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘶𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘯𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘬𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯.”

Halina’t makiisa sa isang makabuluhang seminar na magpapalawak ng iyong kaalaman at magpapahusay sa iyong kasanayan sa korespondensiyang opisyal, pagsasalin, Ortograpiyang Filipino, Filipino Sign Language (FSL), at iba pang mahahalagang aspekto ng komunikasyon.

Inihahandog ng 𝐒𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚, 𝐊𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚, 𝐚𝐭 𝐒𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 (𝐒𝐖𝐊𝐒), ang “Seminar sa Korespondensiya Opisyal, Pagsasalin, Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, Ortograpiyang Filipino, at Filipino Sign Language (FSL)”. Layunin nitong paunlarin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa wastong pagsulat, pagbuo ng liham, memorandum, at iba pang mahahalagang dokumentong transaksyunal.

Narito ang mga detalye:
📅 𝗛𝘂𝗻𝘆𝗼 𝟮𝟰–𝟮𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟲
🕗 𝟴:𝟬𝟬 𝗔𝗠–𝟱:𝟬𝟬 𝗣𝗠
📍 𝗚𝘂𝘀𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗪𝗞𝗦, 𝗖𝗕𝗦𝗨𝗔 - 𝗣𝗶𝗹𝗶 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀

𝐒𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐡𝐨𝐤?
• Mga mag-aaral, g**o, at kawani ng CBSUA
• Mga kawani ng pamahalaan at pribadong institusyon
• Mga propesyonal, mananaliksik, tagasalin, at iba pang interesadong indibidwal
• Sinumang nagnanais mapahusay ang kanilang kasanayan sa komunikasyon at pagsulat

𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐞𝐞:
₱1,000.00 bawat kalahok

𝐒𝐚 𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐮𝐦𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝:
✅ Pananghalian
✅ Seminar Kit
✅ Sertipiko ng Paglahok

𝐏𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐝:
• Maaaring magbayad onsite
• GCash: 09399065712 (L...O J.T)

𝐔𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐫𝐞𝐡𝐢𝐬𝐭𝐫𝐨, 𝐩𝐢𝐧𝐝𝐮𝐭𝐢𝐧 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐤: https://forms.gle/2qPwmSUAmJuqEUCE9

Huwag palampasin ang pagkakataong higit pang mapaunlad ang iyong kaalaman at kasanayan sa pagsulat, pagsasalin, at epektibong komunikasyon. Sama-sama nating itaguyod ang kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino at ang pagpapahalaga sa inklusibong komunikasyon! ✨

Lagi’t lagi, para sa Wika, Kultura, at Sining! ❤️🇵🇭


𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗧𝗘𝗥𝗧𝗨𝗟𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗧𝗜𝗞𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲Kasalukuyang ipinagdiriwang ang Tertulyang Pampanitikan bilang bahagi ng selebrasyo...
20/04/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗧𝗘𝗥𝗧𝗨𝗟𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗧𝗜𝗞𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲

Kasalukuyang ipinagdiriwang ang Tertulyang Pampanitikan bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Panitikan sa Central Bicol State University of Agriculture na may temang:

"𝗕𝗲𝗸ë𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗻: 𝗕𝗶𝗴𝗸𝗶𝘀 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘁𝘄𝗶𝗿𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻"

Sa pangunguna ng Sentro ng Wika, Kultura at Sining, binibigyang-diin ang pagbabahagi at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at mga pananaliksik mula sa mga g**o at mag-aaral sa iba’t ibang kampus: Calabanga, Pasacao, Pili, at Sipocot.

“Sa CBSUA, nagtatagpo ang talino at kultura! 🎭”

Makiisa at makibahagi sa isang makabuluhang hapon na puno ng kaalaman at pagdiriwang ng panitikang Filipino.


𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗔𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗕𝗶𝗰𝗼𝗹 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲!Sa pang...
18/04/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗔𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗕𝗶𝗰𝗼𝗹 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲!

Sa pangunguna ng Sentro ng Wika, Kultura at Sining, binibigyang-diin ang kahalagahan ng panitikan sa paghubog ng kaisipan, kamalayan, at ugnayan ng tao sa lipunan at kalikasan.

Alinsunod sa temang "𝗕𝗲𝗸ë𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗻: 𝗕𝗶𝗴𝗸𝗶𝘀 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘁𝘄𝗶𝗿𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻" isasagawa ang Tertulyang Pampanitikan 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang. Layunin nitong magsilbing plataporma para sa malikhaing pagsulat at pananaliksik pampanitikan.

Magkaisa at makilahok sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng malikhaing pagsulat at pananaliksik sa panitikan!




𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗿𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗺𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗱𝘂𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗻𝗸 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼:

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗔𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗕𝗶𝗰𝗼𝗹 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲!Sa pang...
16/04/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗔𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗕𝗶𝗰𝗼𝗹 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲!

Sa pangunguna ng Sentro ng Wika, Kultura at Sining, binibigyang-diin ang kahalagahan ng panitikan sa paghubog ng kaisipan, kamalayan, at ugnayan ng tao sa lipunan at kalikasan.

Alinsunod sa temang "𝗕𝗲𝗸ë𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗻: 𝗕𝗶𝗴𝗸𝗶𝘀 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘁𝘄𝗶𝗿𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻" isasagawa ang Tertulyang Pampanitikan 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang. Layunin nitong magsilbing plataporma para sa malikhaing pagsulat at pananaliksik pampanitikan.

Magkaisa at makilahok sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng malikhaing pagsulat at pananaliksik sa panitikan!


17/02/2026
𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐃𝐑. 𝐋𝐄𝐎𝐏𝐎𝐋𝐃𝐎 𝐑. 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐎𝐍𝐀, 𝐉𝐑.! 🎉✨Si Sir B**g ay ang Direktor at maituturing na Ama ng Sentro ng Wik...
22/01/2026

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐃𝐑. 𝐋𝐄𝐎𝐏𝐎𝐋𝐃𝐎 𝐑. 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐎𝐍𝐀, 𝐉𝐑.! 🎉✨

Si Sir B**g ay ang Direktor at maituturing na Ama ng Sentro ng Wika, Kultura, at Sining (SWKS) na nagtataglay ng mga talento, hindi matatawarang dedikasyon, at pagmamahal sa lahat ng kaniyang mga anak. Sa loob at sa labas man ng silid-aralan o tanghalan, kaniyang ipinapamalas ang husay na pinanday sa mahabang panahon at hindi pinalalampas ang anumang pagkakataon.

Ngayong araw, kaniyang ipinagdiriwang ang nadagdag na taon sa kaniyang buhay. Hangad naming mga anak mo na nawa'y maraming buhay pa ang ipagkaloob sa iyo ng Maykapal at patuloy na biyayaan ng mga magagandang bagay. Nawa'y lahat din ng mabubuting hangarin sa iyong puso ay matupad. Maraming salamat at pagbating muli sa iyong kaarawan. Mabuhay ka po, Sir B**g! ❤️

Address

San Jose, Pili

4418

Opening Hours

Monday 07:30 - 17:00
Tuesday 07:30 - 17:00
Wednesday 07:30 - 17:00
Thursday 07:30 - 17:00
Friday 07:30 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CBSUA Sentro ng Wika, Kultura at Sining posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to CBSUA Sentro ng Wika, Kultura at Sining:

Shortcuts

  • Want your university to be the top-listed university?

Share