12/08/2026
๐พ๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐ฐ
Pag-uugnayin ng Tarlac Agricultural UniversityโCollege of Arts and Sciences (TAU-CAS) ang wikang Filipino at makabagong teknolohiya sa isasagawang palihan na tampok ang artificial intelligence (AI) sa Agosto 28.
May temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,โ isasagawa ang palihan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa TAU-CAS.
Tatalakayin sa aktibidad ang paggamit ng Filipino sa akademya, pagsasalin, pananaliksik, at paggamit ng AI bilang kasangkapan sa pagkuha at pagproseso ng impormasyon.
Magbibigay ng mga lektura sina Prof. Janet M. Laddoo, Bb. Dancel M. Cabintoy, at Gng. Maria Del Mar L. Bermudo na nakatuon sa akademikong Filipino, pagsasalin at AI, at pananaliksik sa Filipino.
Inaasahang lalahok sa palihan ang mga mag-aaral mula sa mga asignaturang Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino, Dalumat ng/sa Filipino, at Pananaliksik, gayundin ang iba pang interesadong mag-aaral.
Isasagawa ang palihan mula 7:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa TAU-CAS.