01/10/2026
📢 PAALALA SA LAHAT: MAG-INGAT LABAN SA MALA-TRANGKASONG SAKIT 🤧
Dumarami ang mga nagkakaroon ng ubo, sipon, lagnat, pananakit ng katawan, at panghihina na maaaring sintomas ng mala-trangkasong sakit.
💡 Kung ikaw ay may sintomas:
• Magpahinga at uminom ng sapat na tubig.
• Magsuot ng face mask upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon.
• Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing.
• Ugaliing maghugas ng kamay.
• Iwasang pumasok o makisalamuha nang malapitan habang may sakit.
• Magpatingin sa Health and Wellness Center o health professional kung kinakailangan.
💜 Ang pag-iingat ay hindi lamang para sa sarili, kundi para sa kaligtasan ng buong komunidad.
May ubo at sipon? Mag-ingat, magpahinga, at huwag makipagsapalaran.