16/03/2026
๐๐ช๐จ๐ฉ๐๐จ๐ฎ๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฎ ๐๐ง๐๐จ๐ฉ๐๐ก ๐๐๐๐๐๐! ๐๐ฅ๐๐๐ก๐๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐๐ง๐ ๐๐ฉ ๐ฟ๐-๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ช๐ ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ!
Mahigit isang dekada na ang lumipas mula nang pumanaw si Kritel Tejada, isang 16-taong gulang na freshman sa University of the Philippines Manila, na napilitang mag-leave of absence matapos hindi mabayaran ang humigit-kumulang โฑ10,000 na matrikula sa ilalim ng mahigpit na patakaran sa pagbabayad ng unibersidad noon. Ang kanyang pagkamatay ay nanananatiling isa sa pinakamabigat na paalala ng mga pagkukulang ng sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas. Sa kabila ng kanyang pagsisikap na makahingi ng tulong o palugit, hindi niya nalampasan ang hadlang na dulot ng kahirapan. Ilang araw matapos siyang mapatalsik sa klase, binawian siya ng buhay. Ang kanyang pagkasawi ay nagdulot ng matinding galit at pagdadalamhati sa buong bansa at naging mitsa ng mga protesta ng mga estudyante at g**o laban sa mga patakarang nagkakait ng karapatan sa edukasyon.
Hindi simpleng personal na trahedya ang nangyari kay Kristel. Ito ay malinaw na salamin ng mas malalim na krisis sa ating lipunan. Bagaman itinuturing na karapatan ang edukasyon sa Pilipinas, marami pa ring kabataang Pilipino ang napagkakaitan nito dahil sa kahirapan at kakulangan ng suporta mula sa estado. Kapag ang mga institusyong pang-edukasyon ay kulang sa pondo at nagpatupad ng mahihigpit na patakaran, ang mga estudyanteng mula sa maralitang sektor ang unang naaapektuhan. Ang sinapit ni Kristel ay hindi lamang kuwento ng isang indibidwal na nawalan ng pag-asa, kundi patunay ng isang sistemang unti-unting nagiging sarado para sa mga pinakanangangailangan nito.
Hanggang ngayon, nananatiling buhay ang mga suliraning nagluwal sa sinapit ni Kristel. Patuloy ang kakulangan sa pondo ng mga pampublikong paaralan at pamantasan, siksikan ang mga silid-aralan, at marami pa ring estudyante ang napipilitang huminto dahil sa gastusin sa pag-aaral. Ipinapakita nito na ang problema ay hindi lamang administratibo kundi politikal. Sa halip na bigyang-prayoridad ng pamahalaan ang sapat na badyet para sa edukasyon, ipinapasa ang bigat ng kakulangan sa mga estudyante at kanilang pamilya. Sa ganitong kalagayan, ang pangarap na makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon ay nagiging lalong marupok.
Ang pag-alala kay Kristel Tejada ay hindi dapat mananatili bilang pagluluksa. Isa itong panawagan para sa mas matibay na paninindigan na ipaglaban ang edukasyong tunay na abot-kamay ng lahat. Ang edukasyon ay dapat na pangunahing pamumuhunan sa kinabukasan ng bansa sa pamamagitan ng mas mataas na badyet, mas malawak na suportang pinansyal sa mga estudyante, at mga patakarang nagtitiyak na walang kabataang mapipilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Ang kwento ni Kristel ay paalala ng kapabayaan ng estado sa edukasyon at kapalit nito ay hindi lamang mga numero ng dropout, kundi mga pangarap at buhay na nawawala.
Nakikiisa ang ๐๐น๐น๐ถ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐ฉ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป ๐ข๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ (๐๐ฉ๐ข) sa panawagan ng mga estudyante, g**o, at manggagawa na pakinggan ang kanilang hinaing at ipaglaban ang kanilang karapatan sa makatao at makatarungang sistema ng edukasyon. Igiit ang isang sistemang pang-edukasyon na tunay na nagsisilbi sa mamamayan, edukasyon na may sapat na pondo, edukasyon na may malawak na suportang pinansyal para sa mga estudyante at kawani, at edukasyon na may patakarang nagtitiyak na walang kabataang maiiwan dahil lamang sa kahirapan.
๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐!
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐!