09/03/2026
๐จ๐ฌร๐ 2026: ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐ฎ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ผ๐น๐ผ๐ธ๐๐๐บ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐๐ถ๐ธ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ถ๐ธ๐ฎ
Sa loob ng dalawang araw na talakayan, ibinahagi ng mga mananaliksik ang kanilang mga pag-aaral at pagsusuri hinggil sa ibaโt ibang aspekto ng wikang Filipino.
Sa pamamagitan ng mga presentasyon at diskusyon, higit na napalalim ang pag-unawa sa kahalagahan ng lokal na pananaliksik bilang ambag sa mas malawak na larangan ng kaalaman sa global na espasyo.
Kaugnay nito, narito ang mga tinanghal na Best Paper at Best Presenter sa ginanap na Uyรซg 2026โmga mananaliksik na nagpamalas ng kahusayan sa pagsusuri, presentasyon, at pagbibigay-linaw sa mahahalagang usaping pangwika.
Malugod naming binabati ang lahat na itinanghal bilang Best Paper at Best Presenter. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang pagyamanin ang inyong kakayahan sa pananaliksik. Patuloy ninyong pag-alabin ang pagmamahal sa wikang Filipino at kulturang Pilipino, at maging bahagi ng paglikha ng mga kaalamang magpapalawak sa ating pambansang diskurso.