22/05/2026
Title: The Spaces Between Us
Hi, I’m Lee, 19 years old. I’m bisexual, but I find myself more attracted to men than women. There’s this one guy I like—his name is Xen. He’s straight, and we’re both first-year college students.
At first, I didn’t really like him. Pero habang tumatagal, unti-unting nagbago lahat. Hindi ko namalayan, nahulog na pala ako sa kanya. Iba na yung tingin ko sa kanya, at sa tuwing magkasama kami, sobrang gaan ng pakiramdam ko—parang nawawala lahat ng problema ko. I liked him so much to the point na hindi na ako nag-e-entertain ng ibang lalaki dahil sa kanya.
Sa simula, sobrang sweet namin sa isa’t isa. May good morning at good night messages, sabay kumain, sabay umuwi, at may mga simpleng lambing na parang hindi na pangkaibigan. Doon ako mas lalo nahulog. Akala ko… may chance ako.
Pero habang tumatagal, unti-unti kong nare-realize na may mali. Hindi dahil nagbago ako—kundi dahil naging malinaw kung nasaan talaga ako sa buhay niya.
Si Xen ay isang religious na tao. Malaki ang paniniwala niya, at sinisikap niyang sundin kung ano ang tama para sa kanya. At doon ko nakita na nahihirapan siya. May mga araw na sobrang lapit niya sa’kin, tapos bigla siyang lalayo. May mga gabing parang gusto niyang manatili, pero pinipigilan niya ang sarili niya.
Hanggang sa isang gabi, hindi ko na kinaya.
Magkasama kami noon, tahimik lang. Pero ramdam ko yung bigat sa pagitan namin. Doon ko na sinabi.
“In love ako sa’yo, Xen.” Tahimik siya. Akala ko, doon na matatapos—na may naririnig akong malinaw na sagot.
Pero hindi. “Hindi ko alam, Lee…” mahina niyang sabi. “Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta… importante ka sa’kin. Sobrang importante.”
Hindi niya ako tinanggihan. Pero hindi rin niya ako pinili. At doon ako mas lalo nalito.
Kasi paano ka uusad kung hindi ka naman tinulak palayo? Paano ka bibitaw kung may parte sa’yo na umaasang baka… may patutunguhan?
Pagkatapos ng gabing iyon, mas naging komplikado ang lahat. May mga sandali pa rin na parang kami—pero walang label, walang kasiguraduhan. At habang ako, mas lalo lang nahuhulog… siya naman, mas lalong nalilito sa sarili niya, lalo na sa paniniwala niya.
Hanggang sa naintindihan ko—Hindi lang pala ako ang nahihirapan.
Kaya kahit masakit, pinili kong lumayo. Binigyan ko siya ng space—para mahanap niya ang sarili niya, at para hindi ako ang maging dahilan ng pagkalito niya.
At siguro… para mahanap ko rin ang sarili ko.
Lumipas ang ilang linggo. Tahimik ang lahat—walang messages, walang updates. Parang biglang nawala yung “kami” na hindi naman naging kami.
Hanggang sa isang araw, nagkita ulit kami.
“Lee… may kailangan akong sabihin.”
Kinabahan ako, pero handa na rin siguro ako.
“May gusto na akong iba.”
Saglit akong napa tahimik, pero ngumiti pa rin ako.
“Sino?”
“Si Shane.”
At sa simpleng sagot na iyon, naging malinaw ang lahat.
“At… sigurado ka na?” tanong ko.
Tumango siya. “Oo. Hindi na ako nalilito, malinaw na saakin ang lahat, Lee.”
Masakit. Kasi yung liwanag na hinahanap niya… hindi ako ang naging sagot.
“Good,” sabi ko. “Masaya ako para sa’yo.”
At sa pagkakataong iyon, totoo naman—kahit masakit. Kasi nakita ko na nahanap na niya yung sarili niya. Yung kasiguraduhan na hindi niya maibigay sa’kin noon.
“Tapos… ikaw?” tanong niya.
Ngumiti lang ako.
“Ayos lang ako. Matagal ko nang tinatanggap.”
Bago kami maghiwalay, tumingin siya sa’kin.
“Thank you, Lee.”
“At ikaw din.”
At doon ko na-realize—hindi lahat ng minamahal natin, magiging atin.
Minsan, darating sila para turuan tayo kung paano magmahal… at kung paano mag-let go.
Umalis ako na may sakit pa rin, pero mas magaan na.
Kasi sa wakas, malinaw na. Hindi siya yung para sa’kin.
Pero okay lang.
Dahil balang araw, may darating na hindi ako ilalagay sa gitna ng tanong. Yung hindi ako magiging dahilan ng pagkalito—kundi pipiliin ako nang buo, walang takot, at walang pagdududa.
At sa araw na yun, masasabi ko rin sa sarili ko—I finally found the kind of love… a love that chooses me.
“They say love is found in existence…
but ours lived in the spaces between us.” 🌌 💔
Codename: Lee
Course: BSTOOT