11/04/2026
๐๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ ๐ก๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฅ๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐๐ง๐ฌ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ญ ๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin, malinaw na hindi lamang iisang sektor ang apektado, kundi buong sambayanan. Pinakamatingkad dito ang krisis sa transportasyon na araw-araw pinapasan ng mga tsuper at komyuter, kabilang ang mga estudyante.
Lubhang naaapektuhan ng krisis na ito ang mga tsuper at mamamayang nasa laylayan na patuloy na nakikipagsapalaran sa gitna ng pahirap at pasistang estado. Mas lalong nilulubog ng ating gobyerno ang bawat Pilipino sa kahirapan dahil sa hindi nito pagbasura sa 12% Value-Added Tax (VAT) at Oil Deregulation Law (R.A. 8479) sa presyo ng langis, na patuloy na nagpapatigil pasada sa mga tsuper at operator ng mga dyip sa hindi makaturangan na presyo na pumapalo na sa mahigit โฑ130.00 kada litro at pananamantala ng mga kapitalistang kompanya sa nangyayaring krisis sa ating bansa.
Kaya naman, kami ay nananawagan sa ating gobyerno na ibasura ang 12% VAT at Oil Deregulation Law upang maibsan ang bigat na pasanin ng mga tsuper at operator. Sa kabila ng kanilang walang tigil na pagpapasada mula sa pagsikat ng araw at sa gitna ng matinding init bunsod ng pang-kalikasang isyung climate change, marami ang halos wala nang naiuuwi sa kani-kanilang mga pamilya dahil sa taas ng gastos sa operasyon. Kasabay nito, ang mga komyuter na estudyante at g**o ay nahaharap sa mahabang pila, kakulangan ng masasakyan, at panganib na hindi makapasok sa klase.
Bilang kinatawan ng mga mag-aaral ng ating kolehiyo, kami ay nakikiisa sa laban ng mga tsuper at komyuter. Nananawagan tayo sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, lokal at nasyunal, pati na rin sa administrasyon ng pamantasan, na agarang maglatag ng konkretong, pangmatagalan, at inklusibong solusyon na tutugon sa ugat ng krisis, hindi lamang mga pansamantalang hakbang.
Kasabay nito, kinikilala natin ang pangangailangan ng agarang tugon sa kasalukuyang sitwasyon. Sa puntong ito, ang implementasyon ng asynchronous classes ay maaaring magsilbing pansamantalang lunas upang maibsan ang hirap ng mga estudyante sa pagpasok. Gayunpaman, malinaw sa atin na ito ay isang band-aid solution lamang, isang panandaliang tugon na hindi dapat maging pangmatagalang kapalit ng dekalidad na edukasyon.
Mariin nating tinututulan ang 100% online classes bilang pangunahing solusyon. Hindi nito isinasaalang-alang ang realidad na maraming estudyante ang walang sapat na access sa internet, gadgets, at maayos na espasyo para sa pag-aaral. Sa halip na magbigay-lunas, lalo nitong pinapalalim ang umiiral na hindi pagkakapantay-pantay sa edukasyon. Higit pa rito, ang ganitong hakbang ay may direktang epekto rin sa sektor ng transportasyon kung saan ang mga estudyante ay malaking bahagi ng kanilang araw-araw na kita.
Naniniwala tayo na ang anumang solusyon ay dapat holistic, inklusibo, at makatao, isinasaalang-alang hindi lamang ang kaginhawaan ng iilan, kundi ang kapakanan ng lahat ng sektor.
Sa panahong ang sistema ay tila kulang at mabagal tumugon, ang ating kolektibong tinig ang nagiging tulay tungo sa pagbabago.
๐บ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.