Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Panitikan at Wika - ISAT U

Call Website

Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Panitikan at Wika - ISAT U Opisyal na Samahan ng mga Guro at Mag-aaral sa Filipino ng COE-ISATU

𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗧𝗶𝘁𝘂𝗹𝗼Ilang buwan ng pagpupuyat, pagsusunog ng kilay, pagharap sa makakapal na rebyuwer, at paulit-ulit na...
19/09/2026

𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗧𝗶𝘁𝘂𝗹𝗼

Ilang buwan ng pagpupuyat, pagsusunog ng kilay, pagharap sa makakapal na rebyuwer, at paulit-ulit na pagsagot sa mga tanong ang humubog sa iyong paghahanda. Sa bawat pahinang binasa at bawat sandaling piniling magpatuloy kahit pagod na, unti-unti mong nilapitan ang pangarap na matagal mong ipinaglalaban.

Bukas, oras na upang dalhin sa pagsusulit ang lahat ng iyong pinagdaanan. Huwag hayaang lamunin ng kaba ang mga kaalamang pinaghirapan mong buoin. Pumasok nang may malinaw na isip, matatag na puso, at buong tiwala sa kakayahang ilang buwan mong hinasa.

Sa bawat bilang, tanong, at sagot, alalahanin mo kung bakit ka nagsimula. Nasa likod mo ang mga taong patuloy na naniwala, ang mga pangarap na ayaw mong bitawan, at ang Diyos na naging sandigan sa bawat pagkakataong nanghina ka. Ipagkatiwala sa Kaniya ang iyong pangamba, ngunit gawin mo rin ang iyong bahagi nang buong tapang.

Hindi lamang ito laban para sa isang pagsusulit. Ito ay laban para sa inaasam mong titulo. Laban para sa pangarap na maging lisensiyadong g**o. Laban para sa lahat ng sakripisyong nagdala sa iyo hanggang dito.

Kaya bukas, humarap ka nang may tapang, sumagot nang may tiwala, at lumaban hanggang sa huling tanong. Ang pangarap ay hindi na lamang isang bagay na hinihintay. Ito ay isang bagay na ipinaglalaban.

Goodluck, September 2026 LET Takers!

LET'S GO, FUTURE LPTs! Ipaglaban ang titulong pinapangarap!




Maligayang Kaarawan, Ma'am Jen!‎‎Ang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Panitikan at Wika ay taos-pusong nagpapaabot ng pagba...
17/09/2026

Maligayang Kaarawan, Ma'am Jen!
‎
‎Ang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Panitikan at Wika ay taos-pusong nagpapaabot ng pagbati sa iyong espesyal na araw. Bilang aming tinitingalang tagapayo, lubos naming pinahahalagahan ang iyong matiyagang pakikinig, mainit na pag-unawa, at walang humpay na tulong upang lalong tumibay at umunlad ang aming samahan.
‎
Dalangin namin na pagkalooban ka pa ng matibay na kalusugan, saganang ligaya, at patuloy na tagumpay sa lahat ng iyong mga pangarap. Muli, naghahatid ang buong kapisanan ng masiglang pagbati— Maligayang Kaarawan, Ma'am Jen!

Maligayang Kaarawan, Vanesa! Ang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Panitikan at Wika ay buong pusong bumabati sa iyong espes...
17/09/2026

Maligayang Kaarawan, Vanesa!

Ang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Panitikan at Wika ay buong pusong bumabati sa iyong espesyal na araw. Bilang Kalihim ng kapisanan, lubos naming pinahahalagahan ang iyong husay, maayos na pamamahala, at dedikasyon sa pagpapanatili ng organisasyon sa bawat gawain ng ating samahan.

Nawa'y patuloy kang pagkalooban ng mabuting kalusugan, karunungan, at inspirasyon upang ipagpatuloy ang iyong makabuluhang paglilingkod at pakikiisa sa kapisanan.

Muli, Maligayang Kaarawan, Vanvan!


𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒂𝒓𝒂𝒘𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒊𝒏𝒂𝒌𝒂𝒎𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒖𝒍𝒐, 𝑲𝒂𝒕𝒆!Bilang aming pangulo, tunay naming pinahahalagahan ang iyong ...
13/09/2026

𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒂𝒓𝒂𝒘𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒊𝒏𝒂𝒌𝒂𝒎𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒖𝒍𝒐, 𝑲𝒂𝒕𝒆!

Bilang aming pangulo, tunay naming pinahahalagahan ang iyong dedikasyon, pamumuno, talento, at malasakit sa bawat kasapi ng ating kapisanan. Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa iba at magsilbing mabuting halimbawa sa pamamagitan ng iyong sipag, husay, at puso sa paglilingkod.

Sa panibagong taon ng iyong buhay, nawa’y mapuno ito ng masayang pagkakataon, makabuluhang karanasan, at mga taong patuloy na sumusuporta sa iyong mga pangarap. Hiling namin ang iyong patuloy na tagumpay, kaligayahan, at katuparan ng lahat ng iyong mithiin.

Mula sa iyong pamilya sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Panitikan at Wika, maligayang kaarawan!


𝑲𝑴𝑷𝑾 𝑩𝒐𝒐𝒕𝒉, 𝒃𝒖𝒎𝒊𝒅𝒂 𝒔𝒂 𝑰𝑺𝑨𝑻 𝑼-𝑾𝒆𝒆𝒌Sa pagdiriwang ng U-Week, hatid ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Panitikan at Wika (KMP...
12/09/2026

𝑲𝑴𝑷𝑾 𝑩𝒐𝒐𝒕𝒉, 𝒃𝒖𝒎𝒊𝒅𝒂 𝒔𝒂 𝑰𝑺𝑨𝑻 𝑼-𝑾𝒆𝒆𝒌

Sa pagdiriwang ng U-Week, hatid ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Panitikan at Wika (KMPW) ang isang booth na hindi lamang puno ng kulay at ganda, kundi puno rin ng talento, sipag, at kuwento.

Mula sa mga damit at bulaklak na maaaring mabili bilang alaala, hanggang sa mga produktong likha ng tesis ng mga kasapi ng KMPW na nagsitapos na, bawat eksibit ay may sariling kwento at halaga.

Hindi lamang ito simpleng booth kundi ito ay munting pagpapakita ng husay, pagkamalikhain, at bunga ng pag-aaral ng ating mga mag-aaral at dating kasapi. Isang paalala na ang bawat ideya, pananaliksik, at likha ay maaaring maging makabuluhang ambag sa ating komunidad.

Mga salita ni: Vanesa Jane Sisnorio
Layout: Marriane Lee Cantores


𝑶𝒑𝒊𝒔𝒚𝒂𝒍𝒆𝒔 𝒏𝒈 𝑲𝑴𝑷𝑾, 𝒏𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒈𝒂𝒑𝒂𝒈𝒅𝒂𝒍𝒐𝒚 𝒔𝒂 𝒍𝒊𝒕𝒆𝒓𝒂𝒓𝒚-𝒎𝒖𝒔𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒆𝒔𝒕‎Naging katuwang at tagapagpadaloy ang mga opisyal ng ...
12/09/2026

𝑶𝒑𝒊𝒔𝒚𝒂𝒍𝒆𝒔 𝒏𝒈 𝑲𝑴𝑷𝑾, 𝒏𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒈𝒂𝒑𝒂𝒈𝒅𝒂𝒍𝒐𝒚 𝒔𝒂 𝒍𝒊𝒕𝒆𝒓𝒂𝒓𝒚-𝒎𝒖𝒔𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒆𝒔𝒕

‎Naging katuwang at tagapagpadaloy ang mga opisyal ng KMPW sa isinagawang Literary-Musical Contest, noong Setyembre 10 bilang bahagi sa pagdiriwang ng ikalawang araw ng 121st Foundation Day ng Iloilo Science and Technology (ISAT U)

‎Naging katuwang ang mga opisyal ng KMPW sa maayos na pagsasagawa ng patimpalak — mula sa pagpaparehistro at pagtanggap sa mga kalahok, pag-aasikaso sa daloy ng programa, paggabay sa mga kalahok at hurado, hanggang sa pagkilala at paggawad ng mga parangal sa mga nagwagi.

‎Muli, binabati ang lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng patimpalak — mula sa mga g**o, hurado, kalahok, hanggang sa mga opisyal ng KMPW. Mabuhay ang KMPW, at mabuhay ang wika, panitikan, at kultura.

Mga salita ni: Kate Julianne Gayatgay
Layout: Marriane Lee Cantores


𝑲𝑴𝑷𝑾, 𝑵𝒂𝒏𝒈𝒊𝒃𝒂𝒃𝒂𝒘 𝒔𝒂 𝑳𝒊𝒕𝒆𝒓𝒂𝒓𝒚-𝑴𝒖𝒔𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒆𝒔𝒕 2026Muling pinatunayan ng mga mag-aaral ng mga nagpapakadalubhasa sa Filipi...
12/09/2026

𝑲𝑴𝑷𝑾, 𝑵𝒂𝒏𝒈𝒊𝒃𝒂𝒃𝒂𝒘 𝒔𝒂 𝑳𝒊𝒕𝒆𝒓𝒂𝒓𝒚-𝑴𝒖𝒔𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒆𝒔𝒕 2026

Muling pinatunayan ng mga mag-aaral ng mga nagpapakadalubhasa sa Filipino na ang husay sa wika ay hindi lamang nasusukat sa salita, kundi naipapakita rin sa malikhaing pagsulat, makabuluhang pagpapahayag, at natatanging talento.

Sa ginanap na Literary-Musical Contest noong Setyembre 10, buong tapang na ipinamalas ng ating mga kinatawan ang kanilang kakayahan at dedikasyon, na nagbunga ng mga karangalang tunay na maipagmamalaki.

Saludo kami sa inyong husay, sipag, at determinasyon. Patuloy ninyong ipakita na kapag Filipino ang puso at talento ang sandata, tagumpay ang magiging bunga.

Mga salita ni: Annesh Jimanga
Layout: Kian Nambong


𝐁𝐒𝐄𝐝 𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎 1-𝐀, 𝐀𝐋𝐀𝐏𝐀𝐀𝐏 𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐙𝐔𝐌𝐁𝐀Noong Setyembre 2, 2026, naging sentro ng enerhiya at kaginhawaan ng diwa a...
06/09/2026

𝐁𝐒𝐄𝐝 𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎 1-𝐀, 𝐀𝐋𝐀𝐏𝐀𝐀𝐏 𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐙𝐔𝐌𝐁𝐀

Noong Setyembre 2, 2026, naging sentro ng enerhiya at kaginhawaan ng diwa ang BSEd Filipino 1-A matapos pangunahan ang Zumba sa COE 4.0.

Sa bawat kumpas ng musika at bawat hakbang ng sayaw, ipinamalas nila ang kanilang lakas, pagkakaisa, at walang kapantay na sigla. Hindi lang talino at husay sa loob ng klasrum ang dala ng mga ito kundi may indak, ritmo, at enerhiya din.

Mga salita ni Annesh Jimanga


𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊Tuwing huling Lunes ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang Araw ng mga Bayani—isang araw upang...
31/08/2026

𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊

Tuwing huling Lunes ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang Araw ng mga Bayani—isang araw upang parangalan at alalahanin ang kabayanihan ng bawat Pilipinong nagsakripisyo at nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bansa.

Ang kanilang katapangan, pagmamahal sa bayan at walang-sawang paglaban para sa kalayaan ang naging daan upang makamit natin ang mga karapatang tinatamasa natin ngayon. Sila ang mga taong matapang na ipinaglaban ang ating kalayaan at nagbigay-inspirasyon sa mga susunod na henerasyon upang patuloy na ipaglaban at pahalagahan ang sariling atin.

Kaya naman, buong puso naming ipinagmamalaki at pinasasalamatan ang inyong mga sakripisyo. Makakaasa kayo na patuloy naming pahahalagahan ang inyong mga iniwan na aral at ipaglalaban ang ating bayan, kultura, kalayaan at sariling atin.

Muli, Maligayang Araw ng mga Bayani!

Layout: Esha Velasco


ᴡɪᴋᴀᴘᴇᴅɪᴀ 2.0𝑾𝒊𝒌𝒂𝒏𝒈 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐: 𝑻𝒊𝒏𝒊𝒈 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒑𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐Bilang pagtatapos ng ating selebrasyon ng Buwan ng Wika, taos-puso a...
31/08/2026

ᴡɪᴋᴀᴘᴇᴅɪᴀ 2.0

𝑾𝒊𝒌𝒂𝒏𝒈 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐: 𝑻𝒊𝒏𝒊𝒈 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒑𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐

Bilang pagtatapos ng ating selebrasyon ng Buwan ng Wika, taos-puso ang aming pasasalamat sa bawat Pilipinong patuloy na nagmamahal, nagpapahalaga, nagtatanggol, at nagbubunyi sa ating sariling wika.

Hindi man natin lubos na napapansin at napahahalagahan ang kahalagahan nito sa ating pang-araw-araw na buhay, nawa’y patuloy nating gamitin, mahalin, at ipagmalaki ang wikang Filipino. Sapagkat ito ay hindi lamang instrumento ng komunikasyon, kundi puso ng ating kultura at pagkakaisa bilang isang bansa.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang na ito, nawa’y hindi rito magtapos ang ating pagpapahalaga sa sariling wika. Patuloy natin itong buhayin, gamitin, mahalin, at ipasa sa susunod na henerasyon.

Layout: Kian Leonor Nambong


Address

ISAT U La Paz
La Paz

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639213456754

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Panitikan at Wika - ISAT U posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share