15/02/2026
𝘼𝙣𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙨𝙖 𝘼𝙧𝙖𝙬-𝙖𝙧𝙖𝙬? 💭💕
𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 𝟑: 𝑷𝒂𝒓𝒂 𝒌𝒂𝒚 𝑨𝒕𝒆 𝑲𝒊𝒌𝒐... 🧑🏽🍳
Ngayong Araw ng mga Puso, inilulunsad ng Bicol University - University Student Council ang serye kinabubuuan ng tatlong kwento na naglalayong tuklasin ang iba't-ibang kahulugan ng pag-ibig sa Pamantasan ng Bicol.
Sa ikatlo at huling episode ng seryeng ito, tampok si ate Kiko; isang taong bumabangon nang maaga, nagsusumikap, at naglalaan ng oras para sa pamilya at kabuhayan. Ipinapakita ng kaniyang kuwento na ang pag-ibig ay hindi lamang nakukuha sa matatamis na salita, kundi sa pagod, pawis at pusong patuloy na lumalaban para sa mga estudyante ng ating pamantasan.
Sa pagtatapos ng seryeng ito, muli nating balikan ang tanong na "Ano ang Pagmamahal sa Araw-araw?", sapagkat sa bawat hanapbuhay, at sa bawat simpleng sakripisyo, nahahanap natin ang tunay at wagas na pag-ibig na para sa lahat.
Isang maligayang Araw ng mga Puso, BUeños; hanggang sa susunod muli! 💗
Presented By:
Bicol University - University Student Council
In Partnership With:
BU Communication Students' Association - CSA
BU Cineadlawan
Bicol Organization of Neo-Journalists (BONJOUR)