21/09/2026
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ง๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ข๐ฆ๐ข๐ฃ๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ข๐๐๐๐ง๐ฌ ๐ข๐ ๐จ๐ฃ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐-๐ฑ๐ฐ ๐๐ก๐๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ๐ข ๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ฆ ๐ ๐๐๐๐ง๐๐ฅ
Sa araw na ito ay ating inaalala ang buhay ng mga martir, lider-estudyante, aktibista, at mga pangkaraniwang Pilipinong lumaban at tumindig sa pasistang rehimen ni Marcos Sr. na nagdeklara ng ating bansa sa ilalim ng Batas Militar makaraan ang limampuโt apat na taon.
Ayon sa Amnesty International, nasa limampuโt libo na tao ang inaresto at ikinulong mula 1972 hanggang 1975 at mahigit labing-isang libo naman ang mga inabuso at nakaranas ng torture. Gayundin, humigit kumulang dalawang libong pagpaslang at pagtatago sa mga inosenteng tao ang naibilang noong 1972 hanggang 1986. Ang mga ito ay patunay lamang na may dahilan at sapat na rason upang sumigaw at maningil ng hustisya sa administrasyong lumapastangan sa ating karapatan bilang isang Pilipino at kapwa-tao. Higit sa lahat, ang paggunita natin sa araw na ito ay paghikayat na panagutin ang mga dapat managot, laloโt tayo ay nasa ilalim na naman ng isang rehimeng Marcosโ sa uri ng kanyang anak na si Marcos Jr. na walang pinagkaiba.
Sa kasalukuyan, litaw pa rin ang manipestasyon ng mapang-api at nagbibingi-bingihan na administrasyon. Kita natin ito sa malawakang korapsyon at pandarambong kaugnay ng flood control anomalies at confidential funds ng mga nasa mataas na posisyon, kung saan daig pa ang tengang kawali sa pagsasawalang-bahala ng sigaw ng mga mamamayang Pilipino na panagutin ang mga sangkot dito.
Gayundin, danas natin ang de facto martial law buhat ng kritikal na pagtingin ng estado sa bawat aktibista at lider-estudyante na nakikiisa sa pagtuligsa sa administrasyon. Dito ay tila ba nasa ilalim pa rin tayo ng nagtatagong anyo ng Batas Militar, ngunit hindi pormal. Tignan na lamang natin ang tahasang redtagging at paghahain ng mga gawa-gawang kaso ng NTF-ELCAC mapatahimik lamang ang mga aktibista at lider-estudyante. Dito ay nakikita natin na patuloy itong nagsisilbi bilang primaryang mekanismo ng estado upang mapalaganap ang mga bayolente nitong adhikain at hindi makatarungang pagtrato.
Kabilang din dito ang walang habas na pagpapatahimik sa mga alagad ng midya at kaakibat nitong press freedom, dahil sa takot nilang mabunyag ang marumi at nakahihiyang pamamalakad sa ating bansa. Sa katunayan, ayon sa Reporters Without Borders, nananatili pa rin bilang pinakamapanganib na lugar ang ating bansa sa buong mundo para sa mga mamamahayag, Ayon din sa kanilang inilathala na 2026 World Press Freedom Index ay nasa ika-114 mula sa 180 na bilang ang Pilipinas batay sa antas ng kalayaang tinatamasa ng mga mamamahayag at mga organisasyon ng midya.
Malinaw rin ang pilit na paglinis at pagpapabango sa imahe ng dinastiyang Marcos. Lantaran ang historical distortion sa pamamagitan ng manipulasyon ng kapangyarihan at pampublikong diskurso, lalo na sa malawakang disinformation campaign. Bagamaโt napatalsik ang mga Marcos sa EDSA Revolution, nakabalik sila makalipas ang mahigit isang dekada at muling nakapuwesto sa kanilang lokal na political base sa Ilocos Norte.
Pinalawak pa ng digital na espasyo ang kanilang pagbabalik sa pulitika: ginamit ang Facebook, TikTok, troll farms, at digital influencers upang ilarawan ang Batas Militar bilang isang masaganang panahon at ang mga Marcos bilang โmabubutiโ at โmaka-masa.โ Kasabay ng alyansa sa mga Duterte, nagbalik sa Malacaรฑang ang isang Marcosโanak ng diktadorโisang dagok sa alaala ng masang minsang nag-aklas at nagpatalsik sa kanilang pamilya.
Kaya naman, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐ต๐ฒ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ผ๐๐ผ๐ฝ๐ต๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐๐ ๐ผ๐ณ ๐จ๐ฃ๐๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ถ๐ป๐ด๐ถ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐น ๐ป๐ด ๐ต๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ถ๐ธ๐๐ถ๐บ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฎ๐น-๐ฑ๐๐บ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ฟ. Bilang isang organisasyong pundasyon ang pilosopikal na pagtatanong, nararapat lamang na ating gunitain ang nakaraan at surian ang lipunang ating ginagalawan. Hindi lamang dapat tayo nananatiling labas at hindi mulat sa mga salaysay na hinahain sa atin, lalo kung ito ay nagagamit upang pagtakpan ang karahasan, kalimutan ang mga naging karanasan ng mga biktima, at iwasan ang pananagutan. Ang pagtatanong ay ating daan para sa paghahanap ng katotohanan at paghamon sa administrayong pilit binubusalan ang ating mga karapatan, kung kaya naman ay patuloy nating iwaksi ang rehimeng bumabaluktot sa katotohanan ng ating kasaysayan. Sa huli, tayo ay makiisa, dumalo, at humanay dahil sa Martial Law.
Pilosopo ng Bayan, Mangahas na Kumwestiyon.
Pilosopo ng Bayan, Patuloy na Lumaban.
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐. ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐. ๐๏ธ๐ฅ
๐จ Publication Material by Yuan Maglente
๐ Caption by Jazel Sevilla & Elijah de la Pena