BulSU CAL Local Student Council

BulSU CAL Local Student Council Ang Lokal na Konseho ng Mag-aaral ng BulSU Kolehiyo ng Arte at Literatura

[EXECUTIVE ORDER NO. 002 S 2026 MOTM]The Office of the Governor hereby officially releases the Minutes of the Meeting (M...
23/05/2026

[EXECUTIVE ORDER NO. 002 S 2026 MOTM]

The Office of the Governor hereby officially releases the Minutes of the Meeting (MOTM) pertaining to the Executive Meeting on the upcoming events and preparation for the academic term 2026–2027 conducted on May 21, 2026. All concerned are encouraged to review the document for reference and to ensure a clear understanding of the meeting undertaken by the CAL LSC.

Read the MOTM here:
https://shorturl.at/NqJoB

22/05/2026

BULSUAN, KUMUSTA KA NA BA?: KATALISTA x RAJAHs FRESHIE REELS

Sa nagdaang admissions at pre-enrollment ng incoming freshmen ng Kolehiya ng Arte at Literatura at Kolehiyo ng Pilosopiya at Agham Panlipunan, kinumusta ng mga lokal na konseho ng mag-aaral ang mga estudyanteng nagpasa ng requirements noong nakaraang May 12, 2026.

Dito ay nakakwentuhan natin ang mga paparating na supling ni Laya mula sa Performing Arts, at ang mga paparating na umaaribang Rajah mula sa Social Work at Psychology.

Sa panahon ng pagtanggap ng mga bagong Iskolar ng Bayan, mahalagang kamustahin ang lagay ng kanilang pagpasok sa pamantasan. Sa pamamagitan ng saluhan ng kwento, tradisyon, at kahit mga babala sa kaniya-kaniyang kurso, narito ang mga ate at kuya ninyo, mga Katalista at mga Rajah!

Maalab na pagbati at maligayang pagdating sa pamantasan, mga bunso!

Video Edit by Joezelle Biazon


📢 MAHALAGANG PABATID 'Wag tumakbo mula kay Recon Dust! Kaya para sa unang batch ng ating mga RECONSIDERED KATALISTA, kay...
20/05/2026

📢 MAHALAGANG PABATID

'Wag tumakbo mula kay Recon Dust!

Kaya para sa unang batch ng ating mga RECONSIDERED KATALISTA, kayo ay inaanyayahang magsumite ng inyong mga kinakailangang dokumento mula Mayo 20 hanggang Mayo 22, 2026.

Mangyaring i-check ang inyong mga email para sa eksaktong araw at oras ng inyong reservation of slot. Mahalaga na makadalo sa itinakdang schedule dahil ang hindi pagpunta ay maaaring magresulta sa forfeiture ng inyong slot.

Kaya’t ihanda na ang inyong mga requirement, markahan ang inyong mga kalendaryo, at simulan na ang panibagong yugto bilang bahagi ng ating pamantasan.

Muli, maligayang pagdating sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, mga bunso!

19/05/2026
PAGPUGAY PARA SA HUSAY NG MGA KATALISTA: COLLEGE-WIDE GGA AWARDEES!Ating kilalanin at ipagdiwang ang mga nagkamit ng kar...
17/05/2026

PAGPUGAY PARA SA HUSAY NG MGA KATALISTA: COLLEGE-WIDE GGA AWARDEES!

Ating kilalanin at ipagdiwang ang mga nagkamit ng karangalan sa taunang Gold Gear Award 2026 ng College of Arts and Letters. Sa temang: KABANILYA: Pagdiriwang ng Talino, Giting, at Ningning, matutunghayan natin ang pagkilala sa mga Dean’s Lister na nagpamalas ng kahusayan sa larangang akademiko.

Kasama rin dito ang ating mga Competition Winners, na muling pinatunayan na ang tagumpay ng mga Katalista ay hindi lamang nakukulong sa loob ng pamantasan, kundi umaabot din sa iba’t ibang patimpalak na hinulma ng kanilang husay, sipag, at tapang.

Bibigyang-pugay rin ang ating mga Special Academic Awardees, mga estudyanteng nagpakita ng natatanging galing sa kani-kanilang programa, kabilang ang mga pagkilalang tulad ng Best in Thesis at iba pang akademikong parangal.

Sa araw na ito ng pagkilala, hindi lamang natin ipinagdiriwang ang talino ng ating mga mag-aaral, kundi maging ang lalim ng kanilang pagkatao na unti-unting nahuhubog sa bawat hamon na kanilang nalampasan.

Ang bawat award na naka-lista dito ay inaanyayahan naming dumalo sa CAL Gold Gear Awards sa Mayo 28, 2026, ala-una ng hapon, sa Bulwagang Valencia. Kung kaya’t inaanyayahan na makiisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito!

May 28, 2026 | 1:00 PM | Valencia Hall - Para sa Dean’s Lister, Competition Winners, at Special Academic Awardees

May 20, 2026 | 8:00 AM | Valencia Hall - Para sa President’s Lister at University-Wide Special Awardees

Graphics by Johndelle Tud

PAGPUGAY PARA SA HUSAY NG MGA KATALISTA: UNIVERSITY-WIDE GGA AWARDEES!Para naman sa mga nagkamit ng mga gantimpala sa lo...
17/05/2026

PAGPUGAY PARA SA HUSAY NG MGA KATALISTA: UNIVERSITY-WIDE GGA AWARDEES!

Para naman sa mga nagkamit ng mga gantimpala sa loob ng kolehiyo ngunit ipagdiriwang sa university-wide level, matutunghayan natin ang nakatanggap ng President’s Lister Award, isang patunay ng akademikong husay, dedikasyon, at talento ng bawat isa.

Kabilang din dito ang ilan sa ating mga Competition Winner na buong dangal na binitbit ang bandera ni Laya sa iba’t ibang kultural na pagtatanghal at kompetisyon.

Ang bawat tropeo, medalya, at pagkilalang natamo ay nakaugat sa pawis, pagsisikap, at sakripisyo ng bawat Katalista. Tunay na hindi biro ang mga pagsubok na kanilang dinaanan upang makarating sa araw ng pagkilalang ito.

Kaya’t ang bawat awardee na nakalista sa ibaba ay inaanyayahan naming dumalo sa University-wide Recognition Rites na gaganapin sa Mayo 20, 2026, alas-otso ng umaga, sa Bulwagang Valencia.

Ating kilalanin at ipagdiwang ang natatanging husay at galing ng bawat isang supling ni Laya!

May 28, 2026 | 1:00 PM | Valencia Hall - Para sa Dean’s Lister, Competition Winners, at Special Academic Awardees

May 20, 2026 | 8:00 AM | Valencia Hall - Para sa President’s Lister at University-Wide Special Awardees

Graphics by Johndelle Tud

Mapagpalayang pagbati, The Communiqué! Muling sinungkit ng The Communiqué, ang opisyal na publikasyong pang mag-aaral ng...
16/05/2026

Mapagpalayang pagbati, The Communiqué!

Muling sinungkit ng The Communiqué, ang opisyal na publikasyong pang mag-aaral ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, ang pangwalong beses na Overall Best Performing Student Publication sa nagdaang Gawad Galing Plaridel (GGP) noong ika-13 ng Mayo.

Nagpapaabot ang buong konseho at mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Arte at Literatura ng pagbati sa ipinamalas ninyong galing at husay sa larang ng pamamahayag, pagsulat, at pagdibuho.

Nawa'y ang pagkapanalong ito ay magsilbing tanda ng pagtuldok sa pangmalawakang sensura sa ating pamantasan, pagbabanta sa mga peryodista sa ating bansa, at pagdedepensa sa malayang pamamahayag.

[LEGISLATIVE BODY HEARING MOTM: COMMITTEE CHAIRPERSONSHIP SELECTION]The Office of the Vice Governor hereby officially re...
15/05/2026

[LEGISLATIVE BODY HEARING MOTM: COMMITTEE CHAIRPERSONSHIP SELECTION]

The Office of the Vice Governor hereby officially releases the Minutes of the Meeting (MOTM) pertaining to the Legislative Body Hearing on the Selection of Committee Chairpersons conducted on May 8, 2026. All concerned are encouraged to review the document for reference and to ensure a clear understanding of the proceedings and selection process undertaken by the legislative body.

This release is issued in the interest of transparency, accountability, and proper documentation of official legislative proceedings.

Read the MOTM here: https://tinyurl.com/8hxyp6tj

Maligayang pagdating sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, mga bunso! Noong Mayo 12, 2026 ay opisyal na isinagawa ang pre-e...
15/05/2026

Maligayang pagdating sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, mga bunso!

Noong Mayo 12, 2026 ay opisyal na isinagawa ang pre-enrollment ng mga bagong katalista ng bayan — mga kabataang handang magbitbit ng tinig, talino, at tapang para sa sambayanan.

Sa araw na ito nagsisimula ang panibagong yugto ng inyong paglalakbay sa loob ng ating pamantasan. Mga panibagong aral, karanasan, at laban ang haharapin hindi lamang sa loob ng bulwagang Federizo, kundi maging sa labas ng unibersidad kung saan higit na kailangan ang boses ng mga kabataan.

Muli, malugod na pagbati sa inyong pagdating, mga supling ni Laya. 🦅

SARA, PATALSIKIN! 🤮 BATO, PANAGUTIN! 🗣️ Tuluyan na nating isuka ang ngalan ng mga Duterte at arestuhin ang walang kwenta...
15/05/2026

SARA, PATALSIKIN! 🤮 BATO, PANAGUTIN! 🗣️

Tuluyan na nating isuka ang ngalan ng mga Duterte at arestuhin ang walang kwentang Senador na si Bato na patuloy kumikitil at nagpapahirap na makamtan ang matiwasay na buhay para sa bawat mamamayang Pilipino.

Isko, sa gitna ng matitinding ingay, pag-atake, at paghahati ng mga matitinding puwersa sa lipunan, manatili kang para sa ikabubuti ng kapwa Pilipino—PAGLINGKURAN ANG BAYAN, TUMUNGO SA LANSANGAN!

Sama-samang tumindig sa Mini Forest, ika-16 ng Mayo, alas tres ng hapon, BulSUan at mga Bulakenyo!

IMPEACH SARA NOW!
ARREST BATO NOW!



Address

Malolos
3000

Telephone

+639761145778

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BulSU CAL Local Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to BulSU CAL Local Student Council:

Share