15/08/2026
📖 ALAM MO BA?
Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas! 🗣️
Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino—isang wikang patuloy na pinauunlad at pinayayaman batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.
💙❤️ Ang wika ay higit pa sa mga salita.
Ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan, kultura, at kasaysayan.
💬 Chiefs, paano mo ipinagmamalaki ang Wikang Filipino?
I-share ang isang salitang Filipino na mahalaga sa iyo at sabihin kung bakit! 👇