26/07/2020
Share ko lang po from my sister na asymptomatic positive para sa kaalaman NG lahat, keep safe and healthy mga schoolmates.
Madalas ang nakikita nating post ay prevention para sa COVID, pero paano nga ba kung ikaw ang mismong tinamaan ng COVID? Ano ano ang dapat mong gawin?
Bilang Asymptomatic Covid Patient, I just wanna share my experience para makatulong din po ako. YES!!! 😱😱 Ako po ay natest na COVID positive kahit hindi ako lumalabas ng bahay. Paano ko nalaman na positive ako? Nagundergo po ako ng swab testing bilang requirements pabalik ng Dubai. But unfortunately, we (me and my sister) tested positive. From the day of our test, hindi na kami lumabas ng bahay hanggang sa makuha namin yung shocking test result.
Bakit ko ipinangangalandakan na positive ako? Bakit hindi? Marami sa atin na takot magpahospital lalo at may mga symptoms sila kasi ang buong paniniwala nila pagnagpositive sila madidiscriminate sila, pandidirihan at lalait laitin na kesyo ganyan kesyo ganito. Kailangan mong magpacheck lalo’t may nararamdaman ka gaya ng walang pang amoy, walang panlasa, ubo, sipon, sore throat, lagnat, pagtatae, pagsus**a. Kung responsible kang tao at mahal mo sarili mo at ang family mo, pumunta sa pinakamalapit na hospital or sa ano mang testing facility for swab test. Para maiwasan ang pagkahawa kung sakali mang ikaw ay magpositibo. Bakit ka papaapekto sa mga tao, if alam mo sa sarili mo na hindi mo ginustong magkacovid at sa ganitong paraan marami ka rin taong masesave kasi mapreprevent mo ang pagkalat nito. Kung magnegative naman mas mainam yun atleast you are free of worry na baka may covid ka.
Wala po kahit sino ang gustong magkaruon ng sakit. In my own case po, I do seldom go out, siguro sa 5 months ko na stranded dito sa Pinas, I can actually say na 5 beses lang ako lumabas ng bahay, but even so, I do wear mask, I do carry alcohol or sanitizer, anything na may hahawakan ako nagaalcohol ako. Pag dating sa bahay diretso ligo to make sure I am safe at ang family ko. But why do I tested positive? No one knows. No one like it pero ito na eh positive na ako whether I like it or not.
We were not given any info from the Hospital where we have our test, so wala kaming alam kung ano ang gagawin.
We tried to search online but there was no info on what’s the next thing to do. So below are the things you must do.
1. Coordinate with your Barangay. Call them and let them know that you are COVID Positive. Wag kang matakot magsabi sa LGU or barangay kasi sila ang tutulong sa iyo sa lahat ng kailangan mong dapat gawin. Yes!!! May Gobyerno tayo na tutulong sa atin. Hindi totoo na walang ginagawa ang gobyerno sa pandemic na ito. Igaguide ka nila on what you must do. In our case, we were asked to coordinate with our City Health Office. So tinawagan namin ang Pasig City Health Office, google will help you para malaman yung mga contact numbers pwede mo rin hingin sa brgy. Sila din ang magmomonitor sa bahay nyo kung may lalabas or wala. Magbibigay sila ng ayuda sa inyo dahil bawal na kahit isa sa inyo ang lalabas. Let someone you know about your situation para kapag may ipapabili ka pwede mo ipakisuyo. Iiwan lang sa tapat ng bahay nyo.
2. Kailangan mo magkaruon ng maraming pang unawa at magpakatatag, sapagkat hindi lahat ng tao na malapit sa bahay nyo ay may malawak na pang unawa at may matinong pag-iisip. Maraming kapit bahay na matatakot at mandidiri sayo, ichichismis kapa kaya totoong ang mga chismosa ang susi sa contact tracing🤭🤣. Madidiscriminate ka at ang buong pamilya mo☹️☹️sad reality. Which is given kasi totoo namang nkakahawa ang COVID. Kaya tanggapin mo sa sarili mo at patatagin, iwasan mo madepress para makipagbreak si covid sayo.
3. Isolate yourself from the members of your family. Ask them to sanitize all parts of the house kung saan ka madalas dumaan, humawak at tumambay. Lahat ng personal needs mo dapat hiwalay na rin sa kanila gaya ng: kubyertos, plato, baso, sabon, toothpaste, towel etc. Bawal ka lumabas ng kwarto.
4. Bumilang ng araw na hindi ka lumabas ng bahay mula sa araw ng test mo or sa araw na nakuha mo ang result, 14 days po pwede home quarantine depende sa barangay nyo or LGU. Sa tulad ko mas pinili kong maquarantine sa facility para safe ang family ko. If may extra room with own bathroom pede or extra house ka (yayamanin🤑) na pwede kang magquarantine much better.
5. Ireport lahat ng close contacts mo sa nurse na kausap mo upang maschedule ang kanilang swab test. LAHAT!!! Ibig sabihin lahat ng nkasalamuha mo or nkasama mo ng wala kang suot na mask. Do not spare anyone for the sake of all, baka kasi sila pala yung carrier. Lahat sila need din ng 14 days quarantine. At palagiing magasuot ng mask kahit nasa loob ng bahay.
6. Mga sintomas na dapat mo icheck habang nagquarantine: Ubo, sakit sa lalamunan, hirap sa paghinga, pagkahilo, pagtatae, walang pang amoy, walang panglasa. If isa sa mga ito ay naramdaman mo sa loob ng 1-6 days mag-ingat po at mas prone po kayo makahawa, ireport sa nurse na nkaagapay sa inyo.
7. Habang nakaquarantine sa bahay ugaliing gawin ang mga sumusunod upang hindi magkaruon ng ano mang sintomas: (Disclaimer hindi po ako doctor ginawa ko lang po yan ayon sa mga nababasa kong prevention tips)
• Magsuob ng mainit na tubig na may asin bago maligo
• Magmumog ng maligamgam na water na may asin at s**a
• Uminom ng ginger lemon or ginger mansi tea pagkatapos mag breakfast.
• Uminom ng malunggay (moringa) tea anytime you prefer.
• Kumain ng mga masusustansyang gulay at prutas.
• Magexercise sa umaga at hapon upang panatilihin ang tamang tempo ng paghinga.
• Iwasan ang mapuyat. Matulog ng 7-8 hours kailangan ng katawan mo ang matinding pahinga upang mabilis labanan ang COVID. 10pm po ang saktong oras ng pagtulog ayon sa mga dalubhasa.
• Uminom ng virgin coconut oil
• Uminom ng apple cider vinegar
• Uminom ng vitamins c manimum 1000mg in a day and 2000mg with symptoms cases
8. Kung ikaw naman ay mapupunta sa quarantine facility siguraduhin may dala kang mga essential goods. Hindi pinapayagan ang sino mang bisita or delivery. Bawal ang matutulis na bagay or stainless items gaya ng kutsilyo, nail cutter, gunting etc.)
• Toiletries (sabon, tooth paste, lotion, shampoo, conditioner, sabonera, mouth wash, suklay, etc.) Meron naman silang kit na ibibigay pero kung sensitive ka bring your own na lang.
• Towel
• Hanger
• Tissue paper
• Tsinelas if pupunta kang nkasapatos
• Lemon/kalamansi juice
• Dinikdik na ginger or kahit hindi, diskarte muna paano mo dudurugin para may maiinom ka. Wala silang ibibigay na vitamins or ano mang pwedeng panlaban sa covid unless meron kang symptoms. So make sure to bring your own vitamins, bactidol or what so ever na gamot na need mo.
• May ibibigay naman silang kumot, punda at bedsheet pero mas safe ka if sarili mong gamit ang gagamitin mo.
• Kung ikaw ay nagkakape mas mainam na magdala ka kasi never sila magbibigay ng kape. Pati na rin ang disposable cups.
• Magdala ng extra food (capcakes, biscuits, fruits, cup noodles) sapagkat hindi sasapat ang pagkain na binibigay nila. Sobrang tipid sa ulam pero wag ka mag alala kung ikaw ay matakaw maraming kanin wala ka lang mauulam na. Oh kaya naman ay pihikan ka sa food.
• May schedule ang lahat ng gawain sa facility mula 6am ng umaga hanggang 8 pm ng gabi.
• Umaga gabi ang monitoring ng temperature, blood pressure at ng kung ano mang sintomas. Ikaw mismo ang magchecheck ng vitals mo sa nurse station.
• Araw-araw ka icheheck ng doctor at nurse kung kumusta ang kalagayan mo. Huwag na wag magsisinungaling kung ikaw ay may nararamdaman na sintomas upang ikaw ay matulungan nila.
• Alamin mo kung saan cubicle number ka nkastay. Makikita mo at malalaman mo dahil may floor plan sa cubicle mo.
• Magdala ng saktong pang 14 days na damit para d ka na papalaba na mahahalo sa labahin ng ibang pasyente.
• Ang face mask ay bawal hubarin sa ano mang oras maliban sa pagkain at pagligo. Siguraduhin merong extra face mask na ipapampalit.
• Maintain social distancing sa lahat ng tao.
9. Always keep yourself healthy, safe and fighting.
10. And most especially always trust and pray to our Lord God. In Jesus name we will heal as one.