06/09/2026
Handa na ba kayong patalasin ang inyong kasanayan at palalimin ang inyong dedikasyon para sa kalusugan ng komunidad? Sa darating na Lunes, hindi lang kaalaman ang ating papalawakin, kundi pati na rin ang ating puso para sa paglilingkod. Sa bawat bagong kasanayang natututunan, may buhay tayong matutulungan. ❤️
Magkita-kita tayo ngayong Setyembre 7 at simulan ang ating paglalakbay tungo sa mas malusog at makatarungang Pilipinas. ✊🏻✨
Tatlong 3️⃣ araw na lang, sisibol na! 🌷
Bago tayo magkita-kita sa Open House, kilalanin ang dalawa sa mga komunidad na nakasama ng Pangkalusugang Lingkod Bayan. 🌱
Kabilang ang Plaridel at Malolos sa mga pangunahing prodyuser ng palay sa Bulacan at Gitnang Luzon. 🌾 Gayunpaman, hindi lingid sa marami ang hayagang pangkakamkam ng lupa at panggigipit sa mga magsasakang nagtataguyod ng agrikultura sa probinsya.
Sa dalawang araw na pakikipamuhay ng PLB sa mga magsasaka, mas napatatag ang aming pananaw na ang kalusugan ay multi-sektoral – at ang pagtataguyod dito ay pangangalampag din para sa karapatan ng mga magsasaka at manggagawa.
Upang mas makilala ang PLB at mga pinaglalaban nito, samahan kami sa Sibol: Sama-samang Paglago sa Paglilingkod at Venipuncture Skills Training! 💚
📍Lugar: CH 222, Calderon Hall
📅 Petsa: Setyembre 7, 2026 (Lunes)
⏰ Oras: 5:30 - 7:30 PM
📝 Magrehistro rito: https://tinyurl.com/PLBSibolRegistration
Tara na sa panibagong yugto ng pagkatuto, pakikilahok, at makabuluhang paglilingkod! ✊
Sa pakikipagtulungan ng:
Young Empowered Advocates Towards Responsive Nursing (YEARN)
Espesyal na pasasalamat sa:
UPCM Class of 2030
UPCM Class of 2031
Collegiate Association of Speech Pathologists (UP-CASP)
Pub: Riana Tario
Caption: Jallyah Oligario