11/01/2016
Last December 29, 2015 at Sev's Cafe, our member, Alexis Tamayo, performed her spoken word poetry pieces, "Isang Araw ko at Isang Araw Mo" and "Tatlong Buwan at Isang Araw" onstage for the famous cafe's last open mic night entitled : Ang Huling Kabanata.
:::
"Yung unang beses kong sinubukan na mag spoken poetry ay sa Open Mic Night na inorganize ng NAC (UP Nursing Artists' Corps). Late na akong dumating kasi nagdadalawang-isip talaga ako kung pupunta ako kasi inuunahan na naman ako ng anxiety. Nung matapos kong iperform yung isa sa mga sinulat ko, maraming nagsabi na subukan ko raw mag Sev's. Sobrang kinilig ako pramis.
Naisip ko someday magkakaroon rin ako ng lakas ng loob at ma-ipeperform ko rin tong mga naisulat ko sa entablado ng Sev's. Kaso, dahil sa sched at sobrang praning kong hindi pa ako handa eh di ako makapunta sa mga open mic nila. Kung hindi ko pa nabasa yung post nila na magsasara na sila, hindi ko pa itutulak yung sarili ko na mag sign up para sa huling open mic na i-oorganize nila. Sabi ko, 'Wala namang mawawala kung susubukan ko. Ito ang una. Ito na rin ang huli.' Nung mareceive ko yung e-mail feeling ko hihimatayin na ako. Hindi 'to big deal sa iba, pero sobrang WOW-JUSKO-TOTOO-BA-'TO moment niya para sakin. Yung mga senior ko sa Maskara, ibang seniors ko sa CN, pati mga kaibigan ko, pinagtatanong ko ng opinyon kung alin sa mga sinulat ko ang okay i-perform. More than 30 kaming nagperform pero dama mo lahat ng tula. Kailangan pa naming magperform sa labas ng Sev's sa sobrang daming tao. Naging mahaba ngunit makabuluhan ang huling gabi ng Sev's.
Sobrang memorable ng experience na 'to para sakin. Isang dream come true, isang bagay na matatanggal sa aking bucket list. At lahat ng ito ay naging posible dahil sa NAC, lalo na sa maskara dahil sa kanilang gabay at suporta." -Alexis Tamayo
:::
Below is a photo of her with Sev's Cafe owner, Mr. Howie Severino. The whole Nursing Artists' Corps is proud of you, Alexis!