01/05/2026
Para sa lahat ng lumalaban nang patas, kasama ng bawat estudyante na anak, kapatid, apoโkapamilya ng isang manggagawa:
Hindi sapat ang isang araw na pagkilala sa mga taong nasa likod ng bawat pagkain, ng mga araw na ligtas, at ng mga gabing tahimik at payapaโpara sa mga taong bitbit ang buong nasyon sakanilang mga palad, likod, bisig, at buong lakas na inuuna ang iba.
Sa bawat Pilipinong manggagawaโmula bukid hanggang pabrika, mula opisina hanggang kalsadaโmaraming salamat sa inyong walang sawang serbisyo sa bayan. Salamat sainyo, sa patuloy na pagkayod, pagtitiyaga, at paglaban sa gitna ng hirap at kakulangan.
Pero malinaw: ang pasasalamat ay dapat may kasamang pagbabago. Aksyon para sa tamang sahod. Aksyon laban sa pang-aabuso. Aksyon para sa kinabukasang hindi kailangang ipaglaban araw-araw.
Kaya ngayong Araw ng mga Manggagawa, kami ay nagpapasalamatโat sabay na lumalaban. Maligayang araw ng mga Manggagawang Pilipino!