21/05/2026
📢 𝐓𝐎 𝐀𝐋𝐋 𝐔𝐏𝐂𝐎𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐒𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐒! 📢
"𝑲𝒖𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒂𝒌𝒐 𝒑𝒖𝒎𝒂𝒑𝒂𝒔𝒐𝒌 𝒉𝒊𝒏𝒂𝒉𝒂𝒏𝒂𝒑 𝒏'𝒚𝒐 𝒂𝒌𝒐, 𝒏𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒖𝒎𝒂𝒔𝒐𝒌 𝒂𝒌𝒐, 𝒕𝒂𝒕𝒂𝒏𝒖𝒏𝒈𝒊𝒏 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒂𝒌𝒐 𝒃𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒂𝒌𝒐 𝒑𝒖𝒎𝒂𝒔𝒐𝒌?" 😠
"𝑾𝒂𝒍𝒂 𝒎𝒂𝒏 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒏𝒈𝒖𝒏𝒈𝒖𝒎𝒖𝒔𝒕𝒂 𝒔𝒂 𝒂𝒎𝒊𝒏 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒐𝒌𝒂𝒚 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂 𝒌𝒂𝒎𝒊?!"🥺
Huwag niyo nang gayahin ang tampuhan at drama sa Senado! Kung ang isa ay nagtatampo dahil hinahanap siya pag absent, at ang isa naman ay sumasama ang loob dahil walang nag-text ng "Are you okay?" pagkatapos ng gulo—𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐏𝐒𝐔 𝐁𝐢𝐧𝐦𝐚𝐥𝐞𝐲, 𝐠𝐚𝐫𝐚𝐧𝐭𝐢𝐬𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐚𝐛𝐬𝐞𝐧𝐭 𝐤𝐚, 𝐚𝐭 𝐥𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐠𝐮𝐦𝐮𝐬𝐭𝐚 𝐬𝐚'𝐲𝐨! 😂
Para sa mga 𝐈𝐍𝐂𝐎𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 (𝐀.𝐘. 𝟐𝟎𝟐𝟔-𝟐𝟎𝟐𝟕), huwag nang maging silent listener sa gilid habang nagkakagulo. Sumali na sa official groups para laging updated!
𝐂𝐑𝐈𝐌𝐈𝐍𝐎𝐋𝐎𝐆𝐘 ⚖️
Para sa mga handang pumasok araw-araw para hindi hanapin ng propesor — bawal dito ang absent para hindi ka maging subject ng manhunt. Bawal din ang takot sa "putukan" ng defense at recitation. Isang matinding "YES, SIR! and YES, MA'AM!" lang ang kailangan!
I-scan ang Blue QR Code or I-click ang Link:
https://tinyurl.com/snzd9pry
𝐅𝐈𝐒𝐇𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒, 𝐄𝐍𝐕𝐈𝐑𝐎𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐒𝐂𝐈𝐄𝐍𝐂𝐄, & 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 🐟🌱🎓
Para sa mga future educators at scientists na may care sa kapwa. Dito safe ka sa gulo, at laging may magtatanong sa'yo ng "Kumusta ang research?", "Huy, okay pa ba kayo?", "May huminga pa ba sa inyo?"
I-scan ang Yellow QR Code or I-click ang Link:
https://tinyurl.com/3bt7u4kw
⚠️𝐏𝐎𝐈𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐎𝐑𝐃𝐄𝐑 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐔𝐏𝐑𝐄𝐌𝐄 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋: Ang mga codes na ito ay strictly para sa mga 𝐢𝐧𝐜𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐫𝐞𝐬𝐡𝐢𝐞𝐬 lamang.
Bawal ang magtampo kung hindi ka ma-approve agad sa GC. I-scan na 'yan para makumusta ka naman namin nang maayos! 👋
Ihanda na ang inyong mga phone, i-scan ang tamang QR code, at welcome sa PSU Binmaley Campus—kung saan may pakialam kami sa attendance mo! 🎒✨