14/08/2026
🌐 𝐓𝐚𝐫𝐚, 𝐦𝐚𝐠-𝐎𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐀𝐕𝐏 𝐓𝐨𝐮𝐫!
Sa pamamagitan ng campus AVP tour, maaari ninyong masilip at makilala ang iba’t ibang pasilidad, gusali, tanggapan, at mahahalagang lugar sa PSU–Sta. Maria Campus, kahit saan man kayo naroroon.
Para sa mga bagong mag-aaral ng Pangasinan State University–Sta. Maria Campus na hindi nakadalo sa isinagawang Pangkalahatang Oryentasyon, narito ang inyong pagkakataon na mas makilala at maging pamilyar sa ating Kampus!
📍 Kilalanin ang inyong bagong tahanan.
🏫 Alamin ang mahahalagang lugar sa campus.
👣 Maging pamilyar sa mga pasilidad na inyong gagamitin.
💙 At higit sa lahat, maging mas handa sa inyong bagong yugto bilang isang Iskolar ng Bayan!
Panoorin ang Online AVP Tour at tuklasin ang PSU–Sta. Maria Campus. 💙💛