ORganisasyon ng mga MAg-aaral sa FILipino

  • Home
  • ORganisasyon ng mga MAg-aaral sa FILipino

ORganisasyon ng mga MAg-aaral sa FILipino Paguswag ng mga nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino

23/08/2026

May paparating na...

Paalala sa mga Future Educator! Malapit na ang ating Midterm Exams!

Tandaan ang mga petsa:

Agosto 25, 2026 (Martes) – para sa mga asignatura tuwing Huwebes at Sabado

Agosto 28, 2026 (Biyernes) – para sa mga asignatura tuwing Miyerkules at Biyernes

Mag-aral nang mabuti, pamahalaan nang maayos ang oras, at ibigay ang inyong makakaya!

Tandaan: Ang pagiging consistent at ang paghahanda ang susi sa tagumpay.

Good luck, Future Educators, kaya niyo 'yan!

Isang mapagpalang araw!Ang buong pamunuan ng OrMafil ay malugod kayong iaanyayahan na dumalo sa pagdiriwang ng Buwan ng ...
21/08/2026

Isang mapagpalang araw!

Ang buong pamunuan ng OrMafil ay malugod kayong iaanyayahan na dumalo sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na gaganapin sa ika-22 ng Agosto, na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon"

Inaasahan namin ang inyong pagdalo sa nasabing pagdiriwang.

maraming salamat inyong pagsuporta



17/08/2026

𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐊𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐆𝐑𝐀𝐍𝐃 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋𝐒!

Malugod naming binabati ang mga ipinagmamalaking kinatawan ng 𝐂𝐨𝐥𝐞𝐠𝐢𝐨 𝐝𝐞 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐮𝐚𝐧 𝐝𝐞 𝐋𝐞𝐭𝐫𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐨𝐚𝐠 sa kanilang pagpasok sa 𝐓𝐎𝐏 𝟓 𝐧𝐠 𝐀𝐒𝐄𝐀𝐍 𝐅𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐀𝐦𝐛𝐚𝐬𝐬𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 sa 𝑻𝒊𝒎𝒑𝒖𝒚𝒐𝒈 𝒕𝒊 𝑨𝒎𝒊𝒂𝒏𝒂𝒏 2026: 𝑨𝑺𝑬𝑨𝑵 𝑪𝒐𝒏𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒄𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔, na inorganisa ng 𝐂𝐇𝐄𝐃 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐈!

Ang inyong sipag, tiwala sa sarili, at dedikasyon ay naghatid ng karangalan sa buong komunidad ng Letran.

Sa inyong paglalakbay patungo sa Grand Finals, ipagpatuloy ninyo ang marangal na pagdadala ng pangalan ng Letran sa pamamagitan ng kahusayan at tunay na diwa ng pagkakaibigan at pagkakaisa sa ASEAN.

Nasa likod ninyo ang buong komunidad ng Letran—sumusuporta at naniniwala sa inyong kakayahan sa bawat hakbang.

Patuloy kayong magningning, maniwala sa inyong sarili, at ipagpatuloy ang pagbibigay ng karangalan sa Letran!

Pambansang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at pag-usbong ng artipisyal n...
02/08/2026

Pambansang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026

Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at pag-usbong ng artipisyal na intelihensya, nananatiling matatag na daluyan ng ating karunungan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ang Wikang Filipino.

Ngayong Agosto 2026, buong-puso nating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa bisa ng temang: "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."

Isang mahalagang paalala ito na bagama't pinatutulin ng makabagong teknolohiya ang akses sa impormasyon at pananaliksik, ang tunay na lakas nito ay nakasalalay sa responsableng paggamit at patuloy na pagpapahalaga sa ating sariling wika.

Ang buong Organisasyon ng mga Mag-aaral sa Filipino sa ilalim ng Departamento ng mga G**o sa Edukasyon ng Colegio de San Juan de Letran Manaoag ay kaisa sa pambansang pagdiriwang na ito. Sama-sama nating itaguyod ang ating wika tungo sa mas maunlad at makabagong kinabukasan ng ating bansa.



Ang tunay na pamumuno ay hindi nasusukat sa posisyon, kundi sa kakayahang maglingkod, makinig, at maging inspirasyon sa ...
29/07/2026

Ang tunay na pamumuno ay hindi nasusukat sa posisyon, kundi sa kakayahang maglingkod, makinig, at maging inspirasyon sa iba.

Lubos kaming nagpapasalamat sa pagkakataong maging bahagi ng Leadership Training 2026. Isa itong makabuluhang karanasan na nagbigay sa amin ng panibagong kaalaman, inspirasyon, at motibasyon upang maging mga responsableng lider at mabubuting lingkod ng aming organisasyon.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay G. Edison R. Mendoza sa inyong oras, gabay, at inspirasyong ibinahagi sa amin. Ang inyong mga payo at karanasan ay magsisilbing gabay at inspirasyon namin sa patuloy na pagtupad sa aming mga responsibilidad bilang mga lider.

Patuloy kaming maglilingkod nang may puso, integridad, at malinaw na layunin. 💙❤️

Isang taos-pusong pagbati sa bagong hanay ng mga opisyales ng Organisasyon ng mga Mag-aaral sa Filipino para sa Taong Pa...
17/07/2026

Isang taos-pusong pagbati sa bagong hanay ng mga opisyales ng Organisasyon ng mga Mag-aaral sa Filipino para sa Taong Panuruan 2026-2027!

Sa pagsisimula ng panibagong yugto ng pamumuno, ipinakikilala namin ang mga lider na magsisilbing katuwang sa pagpapatibay ng adhikain ng organisasyon. Kalakip ng kanilang panunungkulan ang responsibilidad na isulong ang pagpapahalaga sa Wikang Filipino, pangalagaan ang ating mayamang kultura, at patuloy na itampok ang kagandahan ng panitikang Pilipino.

Nawa’y magsilbi kayong huwaran ng tapat na paglilingkod, mahusay na pamumuno, at pagkakaisa. Higit sa anumang posisyon, nawa’y maging inspirasyon kayo sa bawat mag-aaral na patuloy na ipagmalaki ang ating sariling wika at kultura sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa at gawaing pang-organisasyon.

Mabuhay ang Wikang Filipino!✨

09/07/2026

ADVISORY | CLASS SUSPENSION
In accordance with Executive Order No. 77, Series of 2026, issued by the Office of the Mayor of the Municipality of Manaoag, classes at all levels are suspended today, Friday, July 10, 2026, due to inclement weather.

To ensure the continuity of learning, all classes shall be conducted in asynchronous mode.

Everyone is advised to stay safe, take the necessary precautions, and monitor the Colegio's official communication channels for further announcements.

12/06/2026

Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning! ✨🇵🇭

Para sa kalayaan, kinabukasan, at kasaysayan!

Isang maalab na pagbati at pakikiisa sa makasaysayang pagdiriwang ng , mula sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining!

Matagumpay na idinaos ang Palihan para sa Buwan ng Panitikan 2026 na inorganisa ng Organisasyon ng mga Mag-aaral sa Fili...
16/04/2026

Matagumpay na idinaos ang Palihan para sa Buwan ng Panitikan 2026 na inorganisa ng Organisasyon ng mga Mag-aaral sa Filipino (OrMaFil) ng Colegio de San Juan de Letran Manaoag noong ika-14 ng Abril 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan.

Sa ilalim ng temang, “Beket Panitikan: Para sa Katwiran at Kalikasan,” tinalakay at pinalalim ang kamalayan hinggil sa kahalagahan ng Panitikang Filipino bilang tinig ng katwiran at tagapagtanggol ng kalikasan sa pangunguna ng kagalang-galang na panauhing tagapagsalita na si Imelda T. Solver, PhD. Sa kanyang makabuluhang pagtatalakay, higit na naipabatid ang papel ng panitikan sa paghubog ng kamalayan at pananagutan tungo sa makatarungan at makakalikasan na lipunan.


Matagumpay na idinaos ang Palihan para sa Buwan ng Panitikan 2026 na inorganisa ng Organisasyon ng mga Mag-aaral sa Fili...
16/04/2026

Matagumpay na idinaos ang Palihan para sa Buwan ng Panitikan 2026 na inorganisa ng Organisasyon ng mga Mag-aaral sa Filipino (OrMaFil) ng Colegio de San Juan de Letran Manaoag noong ika-14 ng Abril 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan.

Sa ilalim ng temang, “Beket Panitikan: Para sa Katwiran at Kalikasan,” tinalakay at pinalalim ang kamalayan hinggil sa kahalagahan ng Panitikang Filipino bilang tinig ng katwiran at tagapagtanggol ng kalikasan sa pangunguna ng Kagalang-galang na panauhing tagapagsalita na si Gng. Imelda T. Solver, PhD. Sa kanyang makabuluhang pagtatalakay, higit na naipabatid ang papel ng panitikan sa paghubog ng kamalayan at pananagutan tungo sa makatarungan at makakalikasan na lipunan.


Address

Castro Street Poblacion, Manaoag

2431

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ORganisasyon ng mga MAg-aaral sa FILipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your university to be the top-listed university?

Share