KASAMA sa UP

Contact the university

KASAMA sa UP KASAMA sa UP is the first, broadest, most comprehensive, and only student council alliance in UP.

๐Ÿ“ฅ External emails: [email protected]

The Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa UP (KASAMA sa UP) Alliance today positions itself from the strategic viewpoint of a system-wide body of student leaders and representatives continuously learning and analyzing the University and its conditions vis-ร -vis the Philippines and its broad education policies. Protecting the right to education, the alliance sees itself as a weapon to make a change and forge the future. The student councils of the alliance play an active part in the struggle for democratic rights and interests and in the shaping of UP history. The KASAMA sa UP develops the different campuses of the University as regional centers for the student sectoral and peopleโ€™s multi-sectoral movement. In coordinating the national campaigns, the KASAMA sa UP taps the regional centers of the University to disseminate the allianceโ€™s position and to involve the broadest number of students and sectors.

18/09/2026

๐‚๐€๐‹๐‹ ๐…๐Ž๐‘ ๐๐„๐„๐‘ ๐๐…๐€ ๐•๐Ž๐‹๐”๐๐“๐„๐„๐‘๐’

In the wake of the traumatic shooting incident at Banga National High School, the UP Manila School of Health Sciences Koronadal Student Council is calling on student volunteers to step forward as ๐๐ž๐ž๐ซ ๐๐ฌ๐ฒ๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐…๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐€๐ข๐ (๐๐…๐€) ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐๐ž๐ซ๐ฌ.

As future health professionals, our community needs our grounded presence, empathy, and active listening now more than ever. By offering immediate mental health and psychosocial support, we can help provide comfort and care to affected students, staff, and families during this incredibly painful time.

๐‡๐จ๐ฐ ๐ญ๐จ ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก ๐”๐ฌ / ๐‘๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ:
Email: [email protected]
Facebook: UP Manila School of Health Sciences Koronadal Student Council

Let us stand in solidarity with the community of Banga National High School and serve with compassion. Orientation and deployment details will follow shortly.

MATAGUMPAY ANG PAGPAPALAYA SA LEC FORUM 5!Nakalaya na ang limang paralegal na ilegal na inaresto at dinetine ngayong ara...
12/09/2026

MATAGUMPAY ANG PAGPAPALAYA SA LEC FORUM 5!

Nakalaya na ang limang paralegal na ilegal na inaresto at dinetine ngayong araw matapos lumahok sa mapayapang protesta laban sa Pax Silica Initiative at Luzon Economic Corridor Investment Forum sa BGC, Taguig.

Kabilang sa mga inaresto sina Kenneth Castor, Chief of Staff ng UP Office of the Student Regent; Jona Yang, dating Secretary General ng AGHAM; at UPD Student RC Placido ng Tanggol Magsasaka.

Bunga ito ng sama-samang pagkilos at pangangalampag para sa kanilang paglaya. Ngunit hindi rito nagtatapos ang laban. May mga hearing pang haharapin at patuloy ang pangangailangan para sa suportang legal at pinansyal sa LEC 5.

Hindi krimen ang pagprotesta. Hindi krimen ang pagtatanggol sa lupa, kabuhayan, at pambansang soberanya.

Habang ipinipilit ng rehimeng Marcos-Duterte ang mga proyektong nagbubukas sa ating bayan sa interes ng imperyalistang US at malalaking dayuhang korporasyon, mananatili ang paninindigan ng kabataan at sambayanan laban sa Pax Silica at imperyalistang pandarambong.

Malaya na ang LEC Forum 5 pero tuloy pa rin ang laban!

PALAYAIN ANG LAHAT NG BIKTIMA NG PANUNUPIL!
HANDS OFF STUDENT LEADERS!
STOP PAX SILICA!



ALERT: ILEGAL NA PAG-ARESTO SA LIMANG PARALEGAL!Ilegal na inaresto ngayong umaga ang limang paralegal na bahagi ng kilos...
10/09/2026

ALERT: ILEGAL NA PAG-ARESTO SA LIMANG PARALEGAL!

Ilegal na inaresto ngayong umaga ang limang paralegal na bahagi ng kilos-protesta laban sa Pax Silica Initiative sa ginanap na Luzon Economic Corridor Investment Forum sa BGC, Taguig.

Kabilang sa mga inaresto sina Kenneth Castor, Chief of Staff ng UP Office of the Student Regent (UP OSR); Jona Yang, dating Secretary General ng AGHAM; at UPD Student RC Placido ng Tanggol Magsasaka.

Nagprotesta ang mga mamamayan laban sa Pax Silica at Luzon Economic Corridor, mga proyektong higit na nagbubukas sa ating lupain, likas-yaman, at kabuhayan sa pandarambong ng imperyalistang US at malalaking dayuhang korporasyon. Sa ngalan ng diumanoโ€™y โ€œpamumuhunanโ€ at โ€œkaunlaran,โ€ nagbabantang maalis sa kanilang lupain ang humigit-kumulang 15,000 magsasaka at 20,000 pambansang minorya.

Habang lalong tumitindi ang pangangamkam ng imperyalistang US sa ating bayan, lalong lumilinaw ang tugon ng papet na Rehimeng Marcos-Duterte sa pagtutol ng mamamayan: pasismo, panunupil, at kriminalisasyon ng paglaban.

Hindi krimen ang paglaban sa pangangamkam ng lupa at likas-yaman. Hindi krimen ang pagtatanggol sa kabuhayan ng magsasaka at mga pambansang minorya. At lalong hindi krimen ang paggiit ng karapatan ng mamamayan na magprotesta.

Nananawagan ang KASAMA sa UP ng agarang pagpapalaya sa lahat ng ilegal na inaresto!Hinihimok din ng alyansa ang nagkakaisang pagkondena ng mga konseho, organisasyon, at ng buong sangkaestudyantihan laban sa lahat ng anyo ng pasismo, panunupil, at kriminalisasyon ng lehitimong paglaban.

PALAYAIN ANG MGA ILEGAL NA INARESTO!
HANDS OFF STUDENT LEADERS!
STOP PAX SILICA!


THE 47TH IS IN! ๐Ÿ”ฅPanibagong yugto. Panibagong hanay ng lider-estudyante. Isang KASAMA, buong UP System.Kilalanin ang ika...
06/09/2026

THE 47TH IS IN! ๐Ÿ”ฅ

Panibagong yugto. Panibagong hanay ng lider-estudyante. Isang KASAMA, buong UP System.

Kilalanin ang ika-47 KASAMA sa UP National Executive Council, National Council, at General Assembly! โœŠโค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

Ang Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa UP (KASAMA sa UP) ay ang pinakamatanda, pinakalamawak, at kauna-unahang systemwide na alyansa ng mga konseho ng mag-aaral sa UP. Noong nakaraang Agosto 5, 2026, sa ika-50 KASAMA sa UP National Congress, nagkaisa ang mga lider-estudyante mula sa ibaโ€™t ibang kampus ng UP upang ihalal ang mga lider-estudyante na magsisilbi sa malawak na hanay ng sangkaestudyantehan sa buong UP System.

Kaya, buong-galak naming inihaharap sa inyo ang ika-47 KASAMA sa UP National Executive Council, ang pinakamataas na lupong mangangasiwa sa mga polisiya, programa, at plano ng General Assembly at National Council:

๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป โ€“ ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ผ (๐—จ๐—ฃ๐—— ๐—จ๐—ฆ๐—–)
๐—˜๐˜…๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป โ€“ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ ๐—๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ผ (๐—จ๐—ฃ๐—Ÿ๐—• ๐—–๐—˜๐— ๐—ฆ๐—–)
๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—Ÿ๐˜‚๐˜‡๐—ผ๐—ป โ€“ ๐—š๐—ฎ๐—ฏ ๐—Ÿ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ป (๐—จ๐—ฃ๐—• ๐—จ๐—ฆ๐—–)
๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฉ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜€ โ€“ ๐—๐—ผ๐—ฟ๐—ผ๐˜€๐—ต ๐——๐—ถ๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—น๐—ฎ (๐—จ๐—ฃ๐—– ๐—จ๐—ฆ๐—–)
๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ โ€“ ๐——๐—ผ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ต๐˜† ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ (๐—จ๐—ฃ ๐— ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—›๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฆ๐—– / ๐—จ๐—ฆ๐—–)
๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜†-๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น โ€“ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ฒ ๐——๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜† (๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—จ)
๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ โ€“ ๐—•๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ฒ๐˜๐˜๐—ฒ ๐—ข๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐—จ๐—ฃ๐—— ๐—ก๐—–๐—ฃ๐—”๐—š ๐—ฆ๐—– / ๐—จ๐—ฆ๐—–)
๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ โ€“ ๐—ž๐˜‚๐—ฟ๐˜ ๐—–๐—ฎ๐—น๐˜ƒ๐—ฎ (๐—จ๐—ฃ๐—ฉ ๐—จ๐—ฆ๐—–)
๐— ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ โ€“ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฅ๐—ผ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ผ (๐—จ๐—ฃ๐—  ๐—จ๐—ฆ๐—–)
๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ โ€“ ๐—”๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ป ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ฐ (๐—จ๐—ฃ๐—  ๐—ฆ๐—›๐—ฆ ๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ฎ๐—ฐ | ๐—ก๐—˜๐—– ๐—”๐—ฝ๐—ฝ๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฒ)
๐—˜๐˜…-๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ โ€“ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ (๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—จ | ๐Ÿฐ๐Ÿฏ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ฒ๐—ป๐˜)

Ang General Assembly ng mga konsehong miyembro ng KASAMA sa UP ay nagtalaga rin ng kani-kanilang National Council, na siyang magiging pinakamataas na lupon sa paggawa ng desisyon ng alyansa sa pagitan ng mga sesyon ng General Assembly na binubuo ngayon ng 52 konsehong miyembro.

Kasama ang General Assembly, tungkulin ng ika-47 NEC at NC na itaguyod at bitbitin ang militanteng tradisyon ng KASAMA sa UP sa kanilang paglilingkod sa sangkaestudyantehan at sa sambayanang Pilipino.

Sa gitna ng lumalalang krisisโ€”kabilang ang pagkaltas sa pondo sa edukasyon, korapsyon, mga pasistang pag-atake sa demokratikong karapatan ng mga mag-aaral, at umiigting na imperyalistang agresyonโ€”ang 47th KASAMA sa UP ang mangunguna sa pakikibaka laban sa mapang-api at bulok na sistema.

Iskolar ng bayan, Tuloy-tuloy ang Laban!




MULA UP BAGUIO HANGGANG UP MINDANAO: SUMULONG, MAKIBAKA, AT BIGUIN ANG PASISMO NG ESTADO! IPAGTANGGOL ANG UNIBERSIDAD NG...
03/09/2026

MULA UP BAGUIO HANGGANG UP MINDANAO: SUMULONG, MAKIBAKA, AT BIGUIN ANG PASISMO NG ESTADO! IPAGTANGGOL ANG UNIBERSIDAD NG SAMBAYANAN!

Sa katatapos lamang na ika-50 National Congress ng Katipunan ng mga Sanggunian ng Mag-aaral sa UP (KASAMA sa UP), matagumpay na binuo ng malawak na hanay ng sangkaestudyantehan ang isang pangkalahatang campaign paper.

Sa nagdaang taon, serye ng mga tagumpay ang naitala ng mga Iskolar ng Bayan mula Cordillera hanggang Mindanaoโ€”mula sa mahigit 18,000 iskolar na nag-walkout, tumungo sa lansangan, at ipinaglaban ang ating demokratikong karapatan. Ngunit hindi rito nagtatapos ang laban; mas matitinding suliranin at pakikibaka pa ang kailangan nating sama-samang harapin at igpawan.

Sa bagong labas na NEP 2027, muling pinatunayan ng rehimeng US-Marcos ang pagpapahalaga nito sa koprapsyon, pasismo, at digmaanโ€”na siyang mas lalong nagpapahirap at kumikitil sa buhay ng sambayanang Pilipino. Habang binabarat ang badyet sa mga batayang pampublikong serbisyoโ€”lalo na sa edukasyonโ€”pinatawan pa ng โ‚ฑ2.95 bilyong kaltas ang UP sa kabila ng malalang kakulangan sa mga klasrum, akademikong units, at pasilidad. Lalo pa itong pinatitindi ng paglala ng komersyalisasyon at ang presensya ng militar at galamay ng estado sa pamantasan, tulad ng 11th RCDG sa UP Mindanao.

Sa pamamagitan ng ating kolektibong lakas, itataguyod natin ang masigasig na kampanya para sa sapat at makabuluhang pondo sa pamantasan at sa buong sektor ng edukasyon. Kagyat nating kakalampagin at lalabanan ang imperyalismo at ang mga pinsalang idinudulot ng digmaan nito. Sa gitna ng walang-tigil na pagbaha at korapsyon ng naghaharing-uri, ating patatambulin ang panawagang papanagutin si Sara Duterte at singilin si Marcos Jr. Isisingil natin sa pasistang rehimen ang katarungan para kay Alyssa Alano, Maureen Santuyo, at sa buong Negros 19, kasabay ng panawagang ibasura ang lahat ng represibong akademikong polisiya.

Mula sa pagkakasa ng mga talakayan, pagbitbit ng mga kampanya sa lansangan, paglubog sa hanay ng masa upang suriin ang kanilang tunay na kalagayan, hanggang sa walang-tigil na paglalantad sa kabulukan ng sistema, tiyak na mapagtatagumpayan natin ang mas marami pang laban.

Iskolar ng Bayan, Makibaka para sa Bayan, Ipagtanggol ang Edukasyon, Ipaglaban ang Karapatan, at Sumulong para sa Pagbabago.

Address

#16 West Avenue
Quezon City
1104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KASAMA sa UP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to KASAMA sa UP:

Shortcuts

Share