22/04/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ฃ๐๐๐ฃ๐จ๐ฃ๐จ๐๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ข๐๐๐ฅ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก!โ
Malugod na binabati ng Pi Sigma Fraternity โ UP Diliman ang mga bagong Iskolar ng Bayan! Ang inyong pagpasa ay patunay ng sipag, tiyaga, at dedikasyon โ mga katangiang higit ninyong huhubugin sa loob ng Unibersidad.
Tandaan na ang pagiging Iskolar ng Bayan ay may kaakibat na responsibilidad โ ang magsilbi, at makiisa para sa kapakanan ng nakararami. Sa bawat hakbang ninyo, dalhin ninyo ang dangal, husay, at paninindigan na inaasahan sa isang tunay na Iskolar ng Bayan.
Kasama ninyo ang Pi Sigma Fraternity sa pagsusulong ng akademikong kahusayan, liderato, at serbisyong makabayan.
Muli, maligayang pagbati sa mga bagong Iskolar ng Bayan!
Lagiโt lagi, para sa bayan. โ๐ป