Project Mayheim Productions - Manila, Philippines

Project Mayheim Productions - Manila, Philippines Project Mayheim Productions is a group that aims to showcase works of up and coming playwrights, produce music videos and film.

Project Mayheim is a newly formed production group that aims to showcase works of up and coming playwrights. Composed of young thespians, mostly from The University of The Philippines, with the tutelage of Professional Filipino theater artists. Aiming to produce theater productions that would showcase new playwrights and give avenues for budding and veteran stage performers to share their talents.

26/02/2022
"Isang hiraya ang makilala ka"Tunghayan ang pagbabalik ni Lam-Ang at ang kanyang hiraya na si Kanoyan sa birtwal na enta...
22/02/2022

"Isang hiraya ang makilala ka"

Tunghayan ang pagbabalik ni Lam-Ang at ang kanyang hiraya na si Kanoyan sa birtwal na entablado ngayong Sabado, 7pm sa Relive Your Passion PH FB page!

Naging bahagi ang pagtatanghal na ito sa CCP's Performatura festival noong 2021, ngayon ay muling inihahandog upang malaman natin ang kanilang naging proseso at makilala natin nang lubusan ang mga aktor at mga artistang naging bahagi ng produksyon!

Tampok sina Khalil Tambio bilang Lam-Ang, Marynor Madamesilla bilang Kanoyan, Tapati Itapat bilang Bakut Doranakit.

Kasama ang kanilang pangkat pang artistiko na sina Fitz Bitana (Direction), Lejend (playwright and original music),TJ Ramos (Music Design), Ulap Chua (Video Editing at Animation), Luis Salvo (Assistant Cinematographer), Xabrina Aquino (Assistant Sound Design), Lyka Bernal (Stage Management) at Ron Binas (Creative Direction).

Bahagi pa rin ito ng isang buwang selebrasyon ng "KoLaboratoryo: Pista ng Maikling Akda ng mga Bagong Mandudula" sa Relive Your Passion PH!

Kita kits!


Coming this February…
29/01/2022

Coming this February…

Ngayong Pebrero sa Relive Your Passion PH!

Magkatuwang na inihahandog ng Relive Your Passion PH at UP DFPP Malikhaing Pagsulat 174, sa pakikipagtulungan ng Performatibo Manila, ANSAM, Project Mayheim, Parang Kolektib at Teatro Rizal ang

KoLaboratoryo: Pista ng Maikling Akda ng mga Bagong Mandudula!

Tampok ang mga dula nina Quinea Babas, Ezekial Dionisio, Zyran Gabronimo, Cyness Resuello, Cherrys Delos reyes, at Ken Russel Penaflor.

At ang mga direktor nito ay sina Nazer Salcedo, Det Neri, John Mark Yap, Ulap Chua, Lyka Bernal, Shenn Apillado, Armando Leo Mansiulangan, at John Carlo Say.

Kasama rin sa pistang ito ay ang dulang binuo nina Fitz Edward BItana at Lejend, na naging bahagi ng CCP's Performatura Festival 2021, na pinamagatang Lam Ang: Indak at HIraya ng Pagsinta.

Abangan ang mga pagtatanghal na ito sa Relive your Passion PH FB page ngayong buwan ng Pebrero!

23/12/2021

Merry Christmas!

21/12/2021

Join the wacky family of 1st Sem this Sunday, Dec. 26, 1pm, at Sine Pop! This brand new cinema house is located at 14-16 Saint Mary Street, Cubao, Quezon City.

- 4 minutes walk to AURORA BLVD STATION (LRT-2 Purple Line)

- 8 minutes walk to CUBAO STATION (MRT-3 Blue Line)

12/12/2021
Happy 90th Anniversary !!!
10/12/2021

Happy 90th Anniversary !!!

Disyembre 10, 2021
Ang Ika-90 Anibersaryo ng Tanghalang Metropolitan!

Siyamnapung taon nang nakakalipas nang buksan ang MET para sa pagpapalabas ng mga pagtatanghal ng mga Pilipino. Salamat sa mga malikhaing kamay nila Juan Arellano, Francesco Riccardo Monti at Fernando Amorsolo, hinirang ang MET bilang Grand Dame dahil sa natatangi nitong ganda hango sa arkitekturang Art Deco sa interpretasyong Pilipino.

Sa gusaling ito nabuo ang Orkestra ng Bagong Pilipinas (New Philippines Symphony Orchestra) sa ilalim ng baton ni Propesor Francisco Santiago ng Pamantasan ng Pilipinas, na tinaguriang Ama ng Malikhaing Pag-Awit ng Kundiman. Hindi rin matatawaran ang mga kontribusyon ng ating mga Pambansang Alagad ng Sining, katulad nina Honorata “Atang” dela Rama, Felipe Padilla de Leon, Jovita Fuentes, Leonor Orosa-Goquingo, Salvador Bernal, Rolando Tinio at iba pa, na lumikha ng mga obra maestra na itinanghal sa ating entablado.

Hindi man nakaligtas sa pagkasira noong ikalawang digmaang pangdaigdig, sinubukan itong ayusin at buksan noong 1946 at 1987 na kinalaunan nama’y isinara din noong 1996.

Dahil sa pagsusumikap ng pagpapanumbalik ng Tanghalang Metropolitan sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining na sinimulan noong 2016, muli natin itong bubuksan sa kanyang ika-siyamnapung anibersaryo.

Marami man tayong pinagdaanan, Susulong muli ang MET!

Address

New Manila
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Project Mayheim Productions - Manila, Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share