SAMANFIL

SAMANFIL Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SAMANFIL, College & University, San Jose del Monte.
(1)

Ang Samahan ng mga Mag-aaral na Nagtataguyod sa Wikang Filipino (SAMANFIL) mula sa Bulacan State University - Sarmiento Campus ay organisasyong makatutulong sa pagpapaunlad ng disiplinang Filipino.

Talaga namang walang mali, lahat may tama! 😁Maraming salamat sa inyong masiglang pagdalo at pakikilahok sa ating matagum...
23/06/2026

Talaga namang walang mali, lahat may tama! 😁

Maraming salamat sa inyong masiglang pagdalo at pakikilahok sa ating matagumpay na General Assembly, mga bunso! Masaya kaming makasama at makakulitan kayong muli sa ating pagpupulong. Ang inyong presensya ay nagbigay ng sigla at saya sa buong daloy ng programa.

Salamat din sa mga opisyales na nagtaguyod ng pagpupulong na ito para sa ating mga bunso. Ngayon ay opisyal nang bukas ang pinto para sa mas marami pang kuwentuhan, gawain, at siyempre, walang humpay na kulitan kasama kayong lahat! πŸ’»βœ¨

Lagi't lagi para sa Bata, Bayan, at Wikang ipinaglalaban! 🧑🀎

βœ’οΈ: Allysa Avril Orande
🎨: Dwayne Lazaca


Kumusta, mga bunso? HAN IS DA NA BA KAYO? 🀩 Handang-handa na rin kaming makakulitan ulit kayo. 😝 Markahan na ang inyong ...
20/06/2026

Kumusta, mga bunso? HAN IS DA NA BA KAYO? 🀩

Handang-handa na rin kaming makakulitan ulit kayo. 😝 Markahan na ang inyong mga kalendaryo dahil mangyayari na ang General Assembly para sa inyo, mga bunso!

Magaganap ito sa ika-22 ng Hunyo 2026, sa ganap na 5:00 N.H. hanggang 7:00 N.G. sa pamamagitan ng Google Meet. Asahan ninyong magiging magaan at masaya ang ating pagtitipon habang kinukumusta at kinikilala ang isa't isa. ✨🧑🀎

Aasahan namin ang inyong pagdalo, dahil han is da na kaming makinig at makasama kayo! πŸ’»βœ¨

βœ’οΈ: Allysa Avril Orande
🎨: Cedric Cedro


Maligayang Kaarawan, Ingat-Yaman, Patricia Tulagan! πŸ°β™‘ ༘*.゚🧸Iyo ang espesyal na araw na ito, kaya gawin itong makabuluha...
19/06/2026

Maligayang Kaarawan, Ingat-Yaman, Patricia Tulagan! πŸ°β™‘ ༘*.゚🧸

Iyo ang espesyal na araw na ito, kaya gawin itong makabuluhan at masaya. Busugin ang puso ng pagmamahal, lunurin ang isipan ng positibong pananaw, at higit sa lahat ay tirahan ng HANDA ang pamilyang SAMANFIL! 🀌

Muli, Maligayang Kaarawan! πŸŽ‰

βœ’οΈ: Antonio Catan
🎨: Caryl Habana


SAMANPEEPS, ORAS NA PARA TUMAYA SA PAGMAMAHAL... ESTE SA QUALIFYING EXAM! 😁Sa darating na ika-20 ng Hunyo 2026, isasagaw...
19/06/2026

SAMANPEEPS, ORAS NA PARA TUMAYA SA PAGMAMAHAL... ESTE SA QUALIFYING EXAM! 😁

Sa darating na ika-20 ng Hunyo 2026, isasagawa ang Qualifying Exam sa ating sintang pamantasan. Hindi lamang nito susubukin ang stock sa ating mga knowledge, susukatin din nito kung karapat-dapat ba tayong makatagos sa susunod na taong-panuruan.

Kaya't magbaon ng lakas ng loob at ihanda ang ating mga sarili. Huwag kalimutang mag-iwan ng reaction, upang malaman namin ang nilalaman ng inyong mga isip at damdamin! 🀩

GALINGAN, SAMANPEEPS! PASADONG QUALIFYING EXAM CUTIE! πŸ€

βœ’οΈ: Jacob Cyrus Badulis
🎨: Dwayne Lazaca


Tangan ng malayang kaisipan ang kamalayan!β˜€οΈπŸ§‘πŸ€ŽNgayong ika-19 ng Hunyo 2026, ipinagdiriwang natin ang ika-165 na kaarawan...
19/06/2026

Tangan ng malayang kaisipan ang kamalayan!β˜€οΈπŸ§‘πŸ€Ž

Ngayong ika-19 ng Hunyo 2026, ipinagdiriwang natin ang ika-165 na kaarawan ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, o mas kilala sa tawag na β€œPepe”. Gamit ang kaniyang talino at panulat, minulat niya ang diwa ng bawat Pilipino at buong tapang na ipinaglaban ang katotohanan. Pinatunayan niya na ang tunay na lakas ay wala sa dahas, kundi sa matibay na paninindigan at wagas na pagmamahal sa bayan.

Hindi lamang nakasulat sa mga pahina ng kasaysayan ang kaniyang dakilang pamana, kundi nananatiling buhay at nagsisilbing liwanag natin sa kasalukuyang panahon. Nawa’y isabuhay natin nang tapat ang kaniyang mga aral upang sama-sama nating maitaguyod ang isang makatarungan at maunlad na lipunan para sa susunod na henerasyon.

Maligayang Kaarawan, Pepe! ✨

βœ’οΈ: Allysa Avril Orande
🎨: Aidhen Nalvin Pagal


MARAMING SALAMAT SA ISANG MATAGUMPAY NA TERMINO! ✨ Matagumpay na nagtapos ang termino ng mga opisyales ng SAMANFIL para ...
17/06/2026

MARAMING SALAMAT SA ISANG MATAGUMPAY NA TERMINO! ✨

Matagumpay na nagtapos ang termino ng mga opisyales ng SAMANFIL para sa taong panuruan 2025–2026. Kaya naman, nais natin silang pasalamatan para sa isang taon nilang paglilingkod upang patuloy na maitaguyod ang wikang Filipino.

Hindi rin magiging ganap ang tagumpay na ito kung wala rin ang gabay ng ating minamahal na tagapayo at ka-tagapayo. Taos-puso naming pinasasalamatan ang aming gurong Tagapayo na sina Bb. Julie Anne May Alcantara at Ka-Tagapayo na si G. Sharwin Nonato. Kayo ang nagsilbing tanglaw at haligi upang maisakatuparan ang bawat layunin at adhikain ng samahan.

Tunay na naging tulay ang inyong pagsisikap na maisakatuparan ang mga hangarin ng organisasyon, gayundin ang inyong nagliliyab na determinasyon upang paunlarin pa ang ating samahan. Ang inyong iniwang bakas ay hindi namin malilimutan; kaya salamat sa inyong pakikibaka para sa mas mataguyod na kinabukasan!

MABUHAY ANG SAMANFIL!

βœ’οΈ: Princess Ellora Batistil
🎨: Dwayne Lazaca



BULACAN EMERGENCY HOTLINES: HANGAD NAMIN ANG KALIGTASAN NIYO! 🚨Sa mga ganitong pagkakataon kung saan hindi natin sigurad...
13/06/2026

BULACAN EMERGENCY HOTLINES: HANGAD NAMIN ANG KALIGTASAN NIYO! 🚨

Sa mga ganitong pagkakataon kung saan hindi natin sigurado ang panahon, mahalagang batid natin ang mga numerong maaaring hingian ng tulong. Narito ang mga emergency hotlines para sa probinsya ng Bulacan na maaaring tawagan sa oras ng sakuna. ☎️

Manatiling ligtas, alerto, at tumutok sa mahahalagang anunsyo dahil lamang ang
may alam!πŸ’‘

βœ’οΈ: Princess Ellora Batistil
🎨: Dwayne Lazaca


Ang bituin at araw niya,Kailan pa ma'y di magdidilim. πŸŽΆπŸ‡΅πŸ‡­Sa paggunita ng ika-128 Araw ng Kalayaan ngayong ika-12 ng Huny...
12/06/2026

Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma'y di magdidilim. πŸŽΆπŸ‡΅πŸ‡­

Sa paggunita ng ika-128 Araw ng Kalayaan ngayong ika-12 ng Hunyo 2026, ipinagdiriwang natin ang diwang nagmumula sa dugo at sakripisyo ng ating mga ninuno. Ito ay tanda ng buong tapang na pagtindig at wagas na pagmamahal na kanilang ipinakita upang makamit ang kasarinlang ating tinatamasa.

Ating alalahanin na ang kalayaang ito ay simbolo ng buhay na ibinigay, pangarap na inalay, at diwang nananatiling nag-aalab sa ating mga puso. Ito ay isang panawagan na ipagpatuloy ang laban para sa isang bayang makatarungan, payapa, at tunay na malaya. Dahil ang ating kasarinlan ay patunay na ang pag-ibig sa bayan ay higit pa sa anumang hirap, at nananatili itong tanglaw na gumagabay sa atin upang huwag kailanman kalimutan kung ano ang ating ipinaglalaban at kung para kanino ito ipinaglaban.

Maligayang Araw ng Kalayaan! πŸ‡΅πŸ‡­

βœ’οΈ: Allysa Avril Orande
🎨: Marcus Gonzaga


SAMANPEEPS, halika na't makibahagi at makisaya! πŸ₯³πŸ§‘🀎Kumusta ang pag-i-scroll niyo? Nakakasawa na ba ang pare-parehong lam...
08/06/2026

SAMANPEEPS, halika na't makibahagi at makisaya! πŸ₯³πŸ§‘🀎

Kumusta ang pag-i-scroll niyo?
Nakakasawa na ba ang pare-parehong laman ng reels ang iyong nakikita? 🧐
Buti na lang at nandito na ang SAMANFIL!
Dito, walang basagan ng tripβ€”puwedeng tumawa, matuto, makinig, at makisali. Huwag kang mag-alala, dahil hindi kami 'yong tipong magbibigay sa'yo ng sakit sa ulo, sa halip ay magbibigay kami ng dahilan para ngumiti ka. πŸŒŸπŸ€—
Kaya, huwag nang magpatumpik-tumpik pa! Sabihan na ang barkada, buksan ang TikTok, o kaya naman ay i-scan ang qr code! 🀩

Ano pang hinihintay niyo? I-follow na ang aming TikTok account!γ€κš γ€‘

TikTok Link: https://www.tiktok.com/?_r=1&_t=ZS-971ylVUyReP

βœ’οΈ: Allysa Avril Orande
🎨: Jorlyn Nicart


SAMANPEEPS, ENROLLMENT CHECK TAYO WITH MARENG SHARMAINE! 🍊Habang abala ang lahat sa pagpapanotaryo, siguraduhin ding tap...
06/06/2026

SAMANPEEPS, ENROLLMENT CHECK TAYO WITH MARENG SHARMAINE! 🍊

Habang abala ang lahat sa pagpapanotaryo, siguraduhin ding tapos na ang inyong enrollment! Tandaan, ito ang unang hakbang para sa panibagong taong-panuruan. Kung mayroong problema, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa ating mga prof, bff, at kaklase. Maaari niyo ring ibahagi sa ibaba ang enrollment chikas niyo! πŸ˜‰

NOTARYO GUSTO, ENROLL AYAW? 'WAG GANO'N, SAMANPEEPS! ENROLL NA! 😜

βœ’οΈ: Jacob Cyrus Badulis
🎨: Dwayne Lazaca

?

Address

San Jose Del Monte

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAMANFIL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to SAMANFIL:

Share