14/08/2021
Makibrigada na. Tara.โค๏ธ
๐๐๐ง๐๐ ๐ค๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐ข๐ฉ๐๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข๐ก๐๐ง ๐ค๐๐ก๐ข๐ญ ๐ค๐๐ข๐๐ ๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ๐๐ง?
Tara na at kami ay inyong samahan para sa Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela ng taong pampanuruan 2021-2022. Ito ay nagsimula noong ika-3 ng Agosto 2021 at matatapos sa ika-30 ng Setyembre 2021.
"Iba man sa nakagawiang aktibidad, ang Brigada Eskwela 2021 ay naglalayong pagtibayin ang pagbabayanihan ng Kagawaran ng Edukasyon at ng mga stakeholders para sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa kabila man ng pandemya ngayong darating na pasukan."
Inaanyayahan po ng San Mateo Vocational and Industrial High School ang lahat ng mga magulang, mga pribadong kumpanya, local government unit at iba pang stakeholders na makibahagi sa Brigada Eskwela bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa September 13,2021.
Maari po tayong maglaan ng oras at makapagbigay ng teknikal na tulong para sa higit pang pagsasaayos at pagpapanatili ng kalinisan sa SMVIHS, o kaya naman ay makapagbahagi ng mga materyales sa patuloy pagsulong ng dekalidad na edukasyon tulad ng mga sumusunod:
1. DISTANCE LEARNING SUPPLIES - bond papers, notebooks, pencils, crayons, etc.
2. HAND SANITIZING MATERIALS - rubbing alcohol, soap, etc.
3. DISINFECTANTS - bleach, sprays
4. Thermal scanner, face shield, face mask, surgical gloves
5. Cleaning materials
6. Repairing tools
8. Multivitamins (tablets, capsules,syrup)
9. READING MATERIALS/BOOKS
10.Gardening materials
Ang bayanihan sa SMVIHS ay V.S.P (Volunteer, share at partcipate).
Maari po kayong makipag-ugnayan sa SMVIHS sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Ronald M. Cristobal - 09168439469 (BE Coordinator)
Severino C. Sison Jr. - 09176967071 (Enrolment Focal Person)
Roel M. Domingo - 09171237016 School Principal
Paalala: Huwag pong kalilimutang magsuot ng facemask at panatilihin parin ang social distancing
Maraming salamat po sa inyong suporta!