16/09/2026
๐๐ ๐ก๐ช๐จ๐๐ฎ ๐ค ๐จ๐๐๐๐ง๐๐จ๐จ ๐๐ ๐ฃ๐๐๐จ๐๐จ๐๐ข๐ช๐ก๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ก๐?
Para sa maraming isda at lamang-dagat, oo. Ang lusayan or seagrass beds ay hindi basta damo sa ilalim ng dagat. Isa itong mahalagang tirahan, pook-kainan, at nursery ground ng mga batang (juvenile) isda at iba pang yamang-dagat. May mga species ding dito unang lumalaki bago lumipat sa bahura o mas malalim na tubig.
Dahil dito, ang malusog na lusayan ay may direktang ambag sa pangisdaan, pagkain, at kabuhayan ng mga pamayanang baybayin.
Ngunit madaling masira ang lusay dahil sa polusyon, coastal reclamation, dredging, pag-angkla, propeller scars, at mapaminsalang gawain sa dagat.
Kilalanin ang mga lusayan. Iwasang sirain ang mga ito. Panatilihing malinis ang baybayin at sundin ang mga lokal na patakaran sa pangingisda.
Ngayong ๐๐๐ซ๐ ๐
๐ข๐ฌ๐ก ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ซ๐ฏ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐ค, sama-sama nating pangalagaan ang lusay, kasama ng korales at bakawan, bilang yaman ng karagatan at sandigan ng masaganang buhay ng pamayanan.