17/10/2025
Salute Brother!Long Live!✊
HONEST TRICYCLE DRIVER SA TARLAC, NAGBALIK NG NAIWANG CELLPHONE NG ESTUDYANTE
Isang tricycle driver mula sa ECC TODA sa Tarlac City ang nagpakita ng katapatan matapos isauli ang cellphone na naiwan ng estudyante na si Jhamela Ashley Torno.
Ayon kay Torno, nangyari ang insidente ngayong araw, Oktubre 17, 2025 bandang 1:30 ng hapon.
Hindi umano niya napansin na nadulas mula sa bulsa ang kaniyang cellphone.
“Tinry po namin i-trace ang phone at nakita namin na moving ito around Jecson’s Hospital. Tinawagan po namin at luckily, may sumagot po.” kwento ni Jhamela sa TTKK.
Agad namang nakipag-ugnayan ang driver at isinauli ang cellphone sa mismong lugar kung saan bumaba ang estudyante. Sa kabila ng kakulangan sa allowance, nakapagbigay pa rin siya ng ₱150 bilang simpleng pasasalamat sa matapat na driver.
“Hindi po lahat ng driver ay ganon kabait. At bilang isang estudyante lamang po ako, nawa po ay mabigyan natin sila ng recognition man lang.” dagdag pa niya.
Hindi man nakilala ang pangalan ng tricycle driver, nakuhanan naman niya ito ng picture kasama ang body number.
“Kung hindi po dahil sa kaniya, baka nasa hindi magandang kamay na po ang cellphone ko.“ ani pa ni Jhamela. |