12/05/2026
Isang Daang Porsyentong Tagumpay! ๐๐
Buong galak at pagmamalaki na ipinahahayag ng Kapisanan ng Filipino ng SLSUโTO ang taos-pusong pagbati sa mga nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino na matagumpay na nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) 2026.
Sa unang pagkakataon ng pagkuha ng pagsusulit, nakapagtala ang programa ng isandaang porsyento (100%) passing rate-isang pambihirang tagumpay na sumasalamin sa husay, talino, at kahandaan ng ating mga magiging g**o sa larangan ng edukasyon. Ito ay patunay ng kanilang dedikasyon, determinasyon, kasipagan, at taos-pusong pagmamahal sa Wikang Filipino at sa propesyong kanilang pinili.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng masusing paghahanda, walang sawang pagsisikap, mga sakripisyong pinagdaanan, at matatag na paninindigan sa marangal na tungkulin ng pagtuturo.
Buong dangal at pagpupugay naming kinikilala ang mga sumusunod na bagong Lisensyadong Propesyonal na G**o:
Congratulations!
โขChristine Arellano, LPT
โข Gernie S. Ballada, LPT
โข Christene D. Lope, LPT
โข Marivic P. Saligo, LPT
Muli, isang taos-pusong pagbati at pagpupugay mula sa Kapisanan ng Filipino ng SLSUโTO.
Mabuhay kayo, mga bagong lisensyadong g**o! ๐ต๐ญโ๏ธ
Nawaโy magsilbi kayong inspirasyon at tanglaw sa susunod pang henerasyon ng mga mag-aaral at tagapagtaguyod ng Wikang Filipino.