11/08/2026
KUNDENAHIN ANG KULTURA NG KARAHASAN SA ABRA, PALAYASIN ANG BERDUGONG MILITAR!
Matagal nang binabalot ng karahasan ang mamamayang Abrenian:
🔴Nung 2014, naganap ang Lacub masaker kung saan 9 katao ang pinatay, dalawang sibilyan, hindi sa labanan, kundi nahuli at tinortyur ng mga pwersa ng estado. Ito ay isang malinaw na paglabag ng International humanitarian Law o batas ng giyera.
🔴Nung 2022, apat na magsasakang nagsisigaw ng "sibilyan kami!" ay basta na lamang pinaputukan ng mga kasapi ng AFP. Ito rin ay nangyari sa Lacub at dalawa sa biktima ay naiwang sugatan.
🔴Nung Oktubre 2023 si Antonio Diwayan, magsasaka at residente ng Lacub, Abra, ay pinatay ng 77th Infantry Battalion matapos paghinalaang miyembro ng NPA. Pinalabas ng berdugong militar na siya ay namatay sa isang engkwentro, bagay na mariing itinanggi ng komunidad at pamilya.
🔴Nung 2024, tatlong magkahiwalay na insidente ng walang-habas na pambobomba ang nangyari sa Sallapadan, Licuan Baay, at Pilar nung Pebreo 25, 27, at Abril 2. Ang huli ay nakaapekto sa 118 pamilya at kanilang kabuhayan na karamiha'y tabako.
Ngayong 2026, apat na sunud-sunod na engkwentro ang naganap ng Hulyo 19-20, Agosto 2 at 4. Hindi na nakakagulat kung bakit malawakan din ang red-tagging sa probinsya at patuloy na pinahihirapan ang pag-oorganisa ng mga pambansa-demokratikong organisasyon dito. Malinaw na ang tunay na nagpapalaganap ng karahasan sa Abra ay ang berdugong militar at mismong estado.
Kaya’t babalik tayo sa tanong: Bakit nga ba matindi ang militarisasyon sa Abra at bakit lumalaban ang mamamayan dito?
Kung saan matindi ang pasismo at pang-aapi, may yamang nais kamkamin. Ang mga lugar mismo ng Sallapadan, Lacub, Licuan Baay, at Malibcong ay minamata ng mga dayuhang kumpanya ng minahan. Bukod pa rito, balak din magtayo ng baseng militar sa Abra. Simula’t sapul, protektado na ng estado ang mga proyektong siyang magpapalayas sa libo-libong mamamayan ng Abra sa kanilang lupa, tirahan, at kabuhayan.
Ito ang karahasan na ipinalalaganap ng estado sa bayan ng Abra. Hindi rin ligtas ang ating mga kaguruan at mag-aaral sa parehong normalisadong kultura ng karahasan. Nabalot ng pangamba ang mga paaralan at noong Mayo lamang, hininalang pinatay ng isang school principal ang isang g**o sa Bangued, Abra. Pasismo, pambobomba, matinding militarisasyon— ito ang sistematikong kondisyon na nagbibigay-daan sa karahasan at naglalagay sa mga g**o, mag-aaral, at buong bayan ng Abra sa panganib.
Kaya’t upang maging ligtas ang ating mga paaralan, kailangang ugatin ang karahasang laganap sa mismong bayan ng Abra. Kaya’t naninindigan ang mga g**o at kawani sa sektor ng edukasyon na mahalaga ang pagkamit na tunay na kapayapaang nakabatay sa hustisyang panlipunan; ang tunay na kapayapaan ay pagtigil sa inhustisya sa lupa, buhay, at kabuhayan ng mamamayang Abrenian!