01/06/2026
𝐊𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐧𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐮𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥! 🏆
Sa ating selebrasyon ng 𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗟𝗔𝗬𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗡𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗟𝗶𝗯𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗟𝗮𝘀𝗮𝗹𝘆𝗮𝗻𝗼, buong karangalan nating ipakilala ang ating Panauhing Pandangal na nagsisilbing huwaran ng husay, sipag, at dedikasyon. 🦅
Kilalanin si 𝗕𝗶𝗻𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗼𝗲𝗯𝗲 𝗧. 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗻, isang natatanging alumna ng 𝗔𝗕 𝗣𝗼𝗹𝗶𝘁𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲, 𝗕𝗮𝘁𝗰𝗵 𝟮𝟬𝟮𝟱, na nagtapos na may pinakamataas na karangalan bilang 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗮 𝗖𝘂𝗺 𝗟𝗮𝘂𝗱𝗲. 🎖🤩
Mula sa kanyang mga taon bilang mag-aaral ng DLSU-D hanggang sa paghubog ng kanyang propesyonal na landas, pinatunayan niya na ang tunay na tagumpay ay bunga ng tiyaga, malasakit, at walang humpay na paghahangad ng kaalaman. 🌟
Sa kasalukuyan, siya ay isang 𝗥𝗲𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗲 sa isang internasyonal na kumpanya kung saan patuloy niyang naiaambag ang kanyang kahusayan sa larangan ng pananaliksik at pagsusuri, habang isinasabuhay ang diwa ng kritikal na pag-iisip at makabuluhang serbisyo. 🏆
Ang kanyang kwento ay patunay na ang bawat Lasalyanong Liberal ay may kakayahang mag-iwan ng marka sa lipunan—na ang tagumpay ay hindi lamang para sa sarili, kundi para sa mas malawak na layunin ng paglilingkod at pagbabago. 🦅
Sa kanyang pagdalo bilang Panauhing Pandangal, inaasahan nating magsisilbi siyang inspirasyon sa lahat upang ipagpatuloy ang pag-abot sa mga pangarap nang may dangal, tapang, at malasakit para sa kapwa. ✊
Magkita-kita tayo bukas, 𝗛𝘂𝗻𝘆𝗼 𝟬𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟲, mula 𝟴:𝟬𝟬 𝗔.𝗠. hanggang 𝟭𝟮:𝟬𝟬 𝗣.𝗠. sa 𝗨𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮 𝗦𝗮𝗹𝗹𝗲, 𝗗𝗲 𝗟𝗮 𝗦𝗮𝗹𝗹𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆-𝗗𝗮𝘀𝗺𝗮𝗿𝗶ñ𝗮𝘀!
𝗜𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗻𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗪𝗶𝘁𝗵:
• Bloom Florals
• Beyond The Booth
• Cafe Salvacion
• SORA Charms
𝗜𝗻 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗪𝗶𝘁𝗵:
• DLSUD Psychology Program Council
• DLSUD Communication Program Council
• International Development Program Council
𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗮 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗻𝗲𝗿:
• DLSUD 95.9 Green FM