17/02/2024
Marahil alam nating lahat na sa University Belt area naitatag ang halos lahat ng malalaking kapatiran o fraternity dito sa pilipinas. At sa loob din mismo ng U-Belt ay ang madalas na sagupaan, buwagan at dikdikan ng iba't ibang fraternity. Kaya hindi nakapagtataka na kilalang matitikas at hindi basta basta umuurong sa labanan ang mga "Fratmen" dahil sa pagmamahal at pagprotekta nila sa kanilang Frat na kinabibilangan. At dahil dito, naging ka-akibat na rin ng salitang "Fratmen" ang salitang "Kriminal" o pagiging "pala-away" dahil sa mga kaganapang ito na nasasaksian ng mga "Barbaro" o mga hindi miyembro ng Frat. Sa madaling salita ay nag-iba na ang imahe at kahulugan ng salitang "Fraternity" sa ating bansa, at iniuugnay na ito sa hindi maganda samantalang ang tunay na kahulugan ng Fraternity ay pakikipag-kapatiran sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagdadamayan. Mula sa pag aaral at sa iba pa.
At dahil dito, taong 2015 ay nagtipon ang lima mula sa pinakamalalaking Fraternity sa Pilipinas upang magkaro'n ng dayalogo at pag usapan o solusyunan ang lumalalang tensyon ng iba't ibang frat sa bansa partikular sa loob ng maynila. Pinangunahan ito ni SRB Incorporated Chairman Manny "Indian" Sipin, Alpha Kappa Rho (Akrho) Founder Boy Chua, Triskelion former Sec. General Atty. Jay De Castro, Capazcepa Founder Ben Singanon at Alpha Phi Omega former National President Tony Dimaano.
Ginanap ito sa gitna mismo ng maynila, Sa harap ng maraming tao sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila. Sinuportahan at dinaluhan din ito ni Bro. Hon. Yul Servo Nieto na noo'y konsehal pa lamang ng maynila dahil sa ganda ng hangarin at layunin ng nasabing pagtitipon.
Patunay lamang ito na walang imposible kung mayroon maninindigan para sa pagkakaisa ng mga fratmen at nang kabataan. Alam kong malabo, pero walang imposible kung paiiralin ng bawat fratmen ang doktrina ng kani-kanilang kapatiran na alam kong mabubuti. Isapamuhay natin palagi ang disiplina, pag-respeto sa kapwa tao at sa kapwa fratmen.