07/04/2026
Ayan na ang mga 3rd yearโATAKE! ๐๐ฉทโจ
Isang taos-pusong pagbati sa mga 3rd year Psychology students ng OLFUโValenzuela! Laloโt higit sa mga masisipag na officers ng OCE-Psych na sila Sophia Acosta, Faith Talusan, Raizza Tamares, Jona Fresnido, at Ezriel Valenzuelaโpara sa matagumpay nilang Pinning Ceremony na ginanap noong ika-6 ng Abril 2026 sa Assembly Hall, RiSE Tower para sa ika-5 Pinning at Candle Lighting Ceremony ng Psychological Society.
Ang sandaling kayo ay na-pin ay hindi lamang simbolo ng tagumpay, kundi patunay ng inyong paglalakbay mula sa pag-unawa sa sarili, hanggang sa mas malalim na pag-unawa sa iba. Bilang mga mag-aaral ng sikolohiya, dala ninyo ang kakayahang magbigay-liwanag sa mga kwentong madalas ay hindi napapakinggan, at maghatid ng pag-asa sa mga pusong nangangailangan.
Sa perspektibo ng sikolohiya, tandaan ninyo na ang bawat hakbang ninyo ay bahagi ng inyong growth na ayon sa mga prinsipyo ng human development, ang pag-unlad ay hindi linear, ngunit puno ng aral at pagkakataon. Yakapin ninyo ang hamon, dahil dito nahuhubog ang inyong tibay, empatiya, at kakayahang maging instrumento ng pagbabago.
Nawaโy patuloy kayong maging ilaw sa iba, at huwag kalimutang alagaan din ang inyong sariling mental na kalagayan. Sapagkat sa pag-aalaga sa sarili, mas nagiging handa tayong maglingkod sa kapwa.
Laging tandaan: ang sikolohiya ay hindi lamang isang laranganโito ay isang adhikaing malaya at mapagpalaya.
Padayon, mga future psychometrician and psychologists! ๐ฑ๐ง ๐ซ
๐ผ๏ธ: Kristel Salazar | Creative Manager
โ๐ป: Cassandra Arboso | VP - Internal