18/03/2026
๐ฝ๐ช๐ก๐ก๐๐ค๐๐จ, ๐๐ช๐ข๐๐ก๐๐ ๐จ๐ ๐ฝ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ก๐จ; ๐๐ ๐๐ฉ๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐๐ฌ๐๐จ๐ฉ๐ค, ๐๐๐จ๐๐ ๐ฌ๐๐ฉ
Pinatunayan ng Civil and Allied Department (CAAD) Bulldogs ang kanilang liksi matapos nilang buwagin ang depensa ng Basic Arts and Sciences Department (BASD) Sentinels sa laban para sa ikatlong pwesto sa Badminton Womenโs Doubles.
Ipinamalas ng Bulldogs ang kanilang agresibong laro sa unang set kung saan mabilis nilang nakontrol ang court at tinapos ang laro sa iskor na 21-16. Bagaman sinubukan ng Sentinels na maghigpit ng bantay at magpakita ng mas matatag na depensa sa ikalawang set, naging mas matulis ang mga atake ng CAAD upang selyuhan ang tagumpay sa iskor na 21-18.
Dahil sa kanilang ipinakitang determinasyon, opisyal nang nasikwat ng CAAD Bulldogs ang ikatlong pwesto sa kategorya ng Badminton Womenโs Doubles.
โ๏ธ: itan - Sports Editor
๐ธ: Sabinatralala -Junior Photojournalist