07/05/2026
𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗔𝗧 𝗢𝗥𝗚𝗔𝗡𝗜𝗦𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗡𝗢𝗥𝗠𝗔𝗟 𝗨𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗜𝗧𝗬 - 𝗠𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗣𝗡𝗨-𝗨𝗦𝗖 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦
Sa kasalukuyan, danas ng mga mag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas – Maynila ang epekto ng mga pandaigdigan at pambansang isyung sosyo-ekonomik at sosyo-politikal. Mula sa pagpapatupad ng work-from-home set-up ng mga opisina tuwing Miyerkules at Sabado bilang hakbang sa conservation of energy hanggang sa pagsasagawa ng isang buong terminong pang-akademiko sa loob lamang ng isang buwan, ramdam ang bigat ng mga hakbang at pagbabagong ito sa akademikong danas ng sangkaestudyantehan. Bagama’t may maayos na layunin ng mga hakbang na ito, malinaw na ang mga mag-aaral ang higit na nakararanas ng represyon mula sa sistemang ‘di buo’t ganap na makaestudyante.
Kabilang sa mga direktang naaapektuhan ang PNU-USC Student Electoral Commission bilang organisasyong namamahala sa halalang pangmag-aaral sa loob ng Pamantasan. Sa kasalukuyang 2026 PNU-USC General Elections, nagkaroon ng mga limitasyon sa pasilidad at kakayahan sa pagsasakatuparan ng mga gawaing panghalalan, na nakaapekto sa partisipasyon ng mga mag-aaral. Sa kabila nito, nananatiling mahalaga ang general elections bilang daluyan ng demokratikong partisipasyon, kung saan ang mga di-gradwadong mag-aaral ang pumipili ng mga kinatawang uupo sa konsehong pangmag-aaral at tatayo sa representasyon ng sangkaesudyantehan. Ang mga lider na ito ang magsisilbing tagapaglingkod at magiging boses ng mga panawagan, hinaing, interes, at adhikain ng mga PNUan.
Hindi lamang sa usaping halalan nararanasan ang mga limitasyong ito. Nananawagan din ang mga mag-aaral hinggil sa limitadong student spaces sa loob ng Pamantasan na sa ngayon ay tila kulang ang mga espasyo na maaaring pagdausan ng pag-aaral, pagpapahinga, at gawaing pang-organisasyong pangmag-aaral. Sa gitna ng kakulangang ito, mahalagang matiyak na mabigyan ang mga estudyante ng espasyo sa loob ng kampus na tunay na nagsisilbi sa ating kapakanan, pagkatuto, at pagkilos.
Sa nakaraang Kalatas Pampamantasan (University Memorandum) Blg. 140 mula sa University President, isinulong ng Komisyon ang panawagan para sa asynchronous na moda upang mabigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral na makilahok sa mga gawaing panghalalan sa ika-08 ng Mayo 2026, ang taunang pagtitipon ng mga mag-aaral para sa isang Miting de Avance. Kaakibat nito ang panawagan sa pagsusulong ng makaestudkyanteng at makatarungang hinga sa akademik, na tumutugon sa kasalukuyang kalagayan ng mga mag-aaral. Sa harap ng pinaikling termino at iba’t ibang hamong panlipunan, mahalagang maisaalang-alang ang kapakanan at kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral nang hindi isinasantabi ang kalidad ng edukasyon at hindi nahaharangan at naantala ang demokratikong batayang karapatan ng bawat mag-aaral sa partisipasyon, pagpapahayag, at paghahalal.
Kaugnay ng mga isyung nabanggit, 𝗵𝗶𝗻𝗶𝗵𝗶𝗸𝗮𝘆𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗣𝗡𝗨-𝗨𝗦𝗖 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗸𝘁𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗠𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗲 𝗔𝘃𝗮𝗻𝗰𝗲 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗼𝘁𝗼 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟭𝟭 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟭𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲. Sa mga pagkakataong ito, higit na mapaiigting ng masang PNUans ang ating boses at tindig bilang mga tagapangalaga ng demokrasya sa loob ng ating kampus at sa larangan ng edukasyon, at bilang mga mamamayang may aktibo at makabuluhang pakikilahok sa lipunang ating ginagalawan.
𝘒𝘢𝘺𝘢, 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘸𝘢𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘕𝘜-𝘜𝘚𝘊 𝘚𝘵𝘶𝘥𝘦𝘯𝘵 𝘌𝘭𝘦𝘤𝘵𝘰𝘳𝘢𝘭 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘰𝘳𝘨𝘢𝘯𝘪𝘴𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘮𝘢𝘯𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘕𝘰𝘳𝘮𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘴, 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗶𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗺𝗼𝗸𝗿𝗮𝘁𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝘁𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗣𝗡𝗨-𝗨𝗦𝗖 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀; 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘱𝘢𝘴𝘺𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘴𝘢 𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘮𝘢𝘯𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯; 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘶𝘴𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘳𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘤𝘢𝘥𝘦𝘮𝘪𝘤 𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘦𝘴𝘵𝘶𝘥𝘺𝘢𝘯𝘵𝘦𝘩𝘢𝘯.
𝐅𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬, 𝐖𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞!
𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐 𝑴𝒖𝒏𝒂, 𝑩𝒂𝒈𝒐 𝑷𝒂𝒌𝒊𝒌𝒊𝒔𝒂𝒎𝒂!