08/06/2026
Kahit ano pa man ang hamon o pagkakataon, laging handang maglingkod at tumulong ang mga Triskelion.
Isang taos-pusong saludo sa mga Triskelion ng Sharjah at Dubai Chapters, gayundin sa mga opisyales ng TI-UAE Council, sa ipinakitang tunay na diwa ng bayanihan, pagkakapatiran, at boluntaryong paglilingkod sa matagumpay na pagdiriwang ng Kalayaan 2026.
Ang inyong dedikasyon at oras ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng nasabing okasyon. Patunay ito na kapag nagkakaisa ang bawat Triskelion, walang pagsubok na hindi malalampasan at walang layuning hindi maisasakatuparan.
Maraming salamat sa inyong sakripisyo at serbisyo para sa komunidad at sa ating mga kababayan.
Mabuhay ang mga Pilipino!
Mabuhay ang Tau Gamma Phi!