11/10/2026
Lahat tayo ay dumaan sa sakripisyo, pagsubok, at maraming hamon upang mapangalagaan ang dangal ng ating pinakamamahal na Kapatiran. Taos-puso tayong nagpapasalamat sa mga nauna sa atin—sa mga haliging naglatag ng pundasyon, nag-alaga, at nagtaguyod sa Kapatirang tinatamasa natin ngayon.
Ngunit sa paglipas ng panahon, may mga sumulpot at umangkin ng pagkilala nang hindi naman nakibahagi sa mga sakripisyong nagbuo sa atin. May mga kumampi sa isa’t isa dahil lamang sa kakulangan ng pag-unawa, at may mga naghahanap ng puwesto at pagkilala kahit kakaunti o walang ambag sa tunay na gawain ng Kapatiran.
Hindi natin kailangang makipagtalo upang patunayan kung sino ang tunay. Sapagkat ang kasaysayan, sakripisyo, serbisyo, at paninindigan ang siyang magpapatunay kung sino ang tunay na nagmamahal at nagmalasakit sa Kapatiran..PIGAMMAPHI-DOSKELION&GAMMA SIGMA 1975 iisa LNG