20/08/2026
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ-๐๐ซ๐๐ฐ: ๐๐๐ง๐๐๐ซ ๐๐๐ง๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ซ ๐๐ฑ๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ฅ ๐๐ญ๐๐ค๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐๐ซ๐ฌ
Isinagawa ng Gender Equity, Diversity, and Inclusion Unit (GEDIU) ng Philippine Normal University North Luzon ang โPara sa Pantay at Magalang na Araw-Araw: Gender Sensitivity Training for External Stakeholdersโ noong Agosto 19, 2026, sa 4th Floor, Multi-Purpose Hall, Innovation Hub Building, PNUNL. Layunin ng programa na palawakin ang kamalayan at pag-unawa sa mga usaping pangkasarian at itaguyod ang isang ligtas, magalang, inklusibo, at gender-responsive na kapaligiran para sa buong komunidad ng Pamantasan.
Dinaluhan ang gawain ng mga kinatawan mula sa PNU Trikers Association, Boarding House Owners, PNUNL Maintenance Personnel, at Security Guards, kasama ang mga campus officials, kabilang sina Dr. Madonna C. Gonzalez, Director for Administration, Finance, and Planning; Dr. Clemente M. Aguinaldo, Dean for Academics and the Hub; at Dr. Jandy S. Danzalan, Director for Research, Extension, Quality Assurance, and Development.
Sa kanyang Welcome Message, binati ni Dr. Agnes S. Reyes, Executive Director and Provost, ang mga dumalong stakeholders at kinilala ang kanilang mahalagang papel bilang bahagi ng mas malawak na komunidad ng Pamantasan. Hinikayat niya ang kanilang patuloy na pakikipagtulungan sa Pamantasan upang maisulong ang ikabubuti ng komunidad, gayundin ang kapakanan, kaligtasan, at seguridad ng mga mag-aaral.
Pinangunahan naman ni Dr. Raquel R. Geronimo, Head ng Gender Equity, Diversity, and Inclusion Unit (GEDIU), ang talakayan hinggil sa gender sensitivity, gender stereotypes, gender and development, at iba pang mahahalagang konsepto na naglalayong palalimin ang pag-unawa sa pagkakapantay-pantay, paggalang, at pagiging inklusibo.
Naging mahalagang bahagi rin ng programa ang open forum, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga stakeholders na malayang magbahagi ng kanilang mga saloobin, karanasan, at concerns kaugnay ng kanilang pakikisalamuha sa komunidad ng Pamantasan. Ang mga usaping ibinahagi ay tinanggap nang may paggalang at pagiging kumpidensiyal. Ang mga ito ay bibigyang-pansin sa pamamagitan ng naaangkop na plataporma, wastong proseso, at maayos na diyalogo, upang matiyak na ang bawat concern ay mapag-uusapan at matutugunan sa isang ligtas, maayos, at angkop na paraan.
Matapos ang open forum, nagbigay ng Inspirational Message si Hon. Eunice V. Parallag, Barangay Captain ng Barangay Aurora, Alicia, Isabela, at Presidente ng Liga ng mga Barangay, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa, pakikiisa, at sama-samang pagkilos sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at inklusibong komunidad.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy na isinusulong ng GEDIU ang kamalayan, diyalogo, at pakikipagtulungan sa ibaโt ibang stakeholder tungo sa pagbuo ng isang mas ligtas, pantay, magalang, at inklusibong komunidad.
Para sa isang mas pantay, magalang, at inklusibong araw-araw, para sa lahat.