19/08/2026
Amidst the challenges and problems that confront society in general and its microcosm, the classroom in particular, the AUF College of Education stands with The Teacher Education Council in its statement and call for united efforts and support not only to make learning spaces safe and conducive for learners but also for every teacher who takes on far too many duties beyond their assigned role but who nonetheless commits to the mission of helping shape the nation for the better, one child and lesson at a time.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ang Teacher Education Council (TEC) ay taos-pusong nakikiisa sa mabilis at maagap na pagtugon sa trahedyang naganap sa Ateneo de Zamboanga University. Sa panahong ito ng pagdadalamhati, kaisa kami ng bawat pamilyang naapektuhan sa kanilang pagharap sa sakit, pangamba, at pagbangon.
Kasabay ng ating pagkalinga sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya, nananawagan ang TEC na huwag nating kalimutan ang ating mga g**o. Sila rin ay mga biktima ng pangyayari at mga saksi sa insidente. Sila ay mga lingkod bayan na patuloy na tumatayong matatag sa gitna ng trahedyang gaya nito.
Naninindigan ang TEC na ang paaralan ay manatiling ligtas na espasyo para sa kapuwa mag-aaral, mga g**o, at iba pang kawani. Ang paaralan ay hindi lamang sentro ng pagkatuto, kung hindi tahanan ng seguridad at pag-asa. Ang kaligtasan ng lahat ay kaligtasan ng edukasyon.
BASAHIN: https://tec.gov.ph/opisyal-na-pahayag-ng-tec-ukol-sa-insidente-sa-ateneo-de-zamboanga-university/