ANDAMYO

Directions Contact the university

ANDAMYO The Official Student Publication of Antipolo Institute of Technology (AiTECH)

𝐀𝐧𝐝𝐚𝐦𝐲𝐨 is the official student publication of Antipolo Institute of Technology (AiTECH), composed of Higher Editors (Editor-In-Chief, Associate Editor, and Managing Editor), Section Editors (News, Sports, Literary-Feature, and SciTech editors), Creatives (Layout Artists, Cartoonists, and Photojournalists), and pool of writers. The student publication is committed to providing a medium for the AiTECH community to communicate information, opinions, and ideas with specific emphasis on matters of interest and concern to students. The editors, creatives, and writers, both old and new, are creating a friendly atmosphere while unleashing their journalistic prowess.

𝙽𝙰𝙺𝙰 𝙽𝙰𝙺𝙰!! 𝙸𝚃’𝚂 𝙶𝙸𝚅𝙸𝙽𝙶… 𝚃𝙰𝙶𝙸𝙽𝚃𝙸𝙽𝙶 2026. 🎪✨𝙿𝙾𝚅: 𝚜𝚊𝚋𝚒 𝚖𝚘 “𝚝𝚒𝚗𝚐𝚒𝚗 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚘” 𝚝𝚊𝚙𝚘𝚜 𝚋𝚒𝚐𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊-5 𝚛𝚘𝚞𝚗𝚍𝚜 𝚔𝚊 𝚗𝚊. 🤪🤩   🃏 𝙼𝙴𝙼𝙾...
13/09/2026

𝙽𝙰𝙺𝙰 𝙽𝙰𝙺𝙰!! 𝙸𝚃’𝚂 𝙶𝙸𝚅𝙸𝙽𝙶… 𝚃𝙰𝙶𝙸𝙽𝚃𝙸𝙽𝙶 2026. 🎪✨

𝙿𝙾𝚅: 𝚜𝚊𝚋𝚒 𝚖𝚘 “𝚝𝚒𝚗𝚐𝚒𝚗 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚘” 𝚝𝚊𝚙𝚘𝚜 𝚋𝚒𝚐𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊-5 𝚛𝚘𝚞𝚗𝚍𝚜 𝚔𝚊 𝚗𝚊. 🤪🤩

🃏 𝙼𝙴𝙼𝙾𝚁𝚈 𝙼𝙰𝚃𝙲𝙷 • let’s see if your memory is actually memory-ing.

🎲 𝚂𝙿𝙸𝙽 𝚃𝙷𝙴 𝚁𝙸𝙳𝙳𝙻𝙴 • brain cells, do your thing

ANO NEYY!? PAPAHULI KA BA? ✨

No cap, this is your sign.

September 14, 2026 | 7:00 AM Pull up. IYKYK. 💗🎪






Caption and Pubmat: Andlynne Sayson

Larawan: EDSA at ang Alaala ng BayanNgayong ika-40 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, muli nating binabalik...
25/02/2026

Larawan: EDSA at ang Alaala ng Bayan

Ngayong ika-40 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, muli nating binabalikan ang mga larawan ng nakaraan, mga patunay na ang kalayaan ay hindi ipinagkaloob kundi ipinaglaban. Sa araw na ito, ating inaalala ang tapang ng sambayanang humarap sa kapangyarihan nang walang armas, tanging pagkakaisa at paninindigan ang sandata.

Para sa mga nakakalimot, ang mga larawang ito ay isang paalala:
MAY PRESYO ANG DEMOKRASYA — dugo, luha, at sakripisyo.

Ang paglimot sa EDSA ay pagpayag na muling manalo ang takot at kasinungalingan. Ang pag-alala, sa kabilang banda, ay paninindigan—na ang kapangyarihan ay laging dapat sagutin ng katotohanan, at ang kalayaan ay laging dapat ipagtanggol kailanman.

Source: People Power: The Philippine Revolution of 1986 / Presidential Museum and Library via Flickr



KAMPUS NGAYON || Saksihan ang umaarangkadang bakbakan ng mga kalahok sa Table Tennis at Darts 2026 habang patuloy na nag...
21/01/2026

KAMPUS NGAYON || Saksihan ang umaarangkadang bakbakan ng mga kalahok sa Table Tennis at Darts 2026 habang patuloy na nagpapalitan ng matitinding galaw at asinta, ngayong araw, Miyerkules, ika-21 ng Enero, sa Multipurpose Hall Engineering Bldg. 2.

Kamakailan ay ginanap rin ang one-day tournament para sa chess and scrabble.

🎓𝖯𝖠𝖦𝖯𝖴𝖯𝖴𝖦𝖠𝖸 𝖲𝖠 𝖡𝖠𝖳𝖢𝖧 𝖬𝖠𝖧𝖠𝖱𝖠𝖸𝖠🎓Mga Kabalikat sa Inhenyeriya. Mga Katuwang sa Pamamahayag.Padayon sa lahat ng BCETM gradua...
29/11/2025

🎓𝖯𝖠𝖦𝖯𝖴𝖯𝖴𝖦𝖠𝖸 𝖲𝖠 𝖡𝖠𝖳𝖢𝖧 𝖬𝖠𝖧𝖠𝖱𝖠𝖸𝖠🎓

Mga Kabalikat sa Inhenyeriya. Mga Katuwang sa Pamamahayag.

Padayon sa lahat ng BCETM graduates—lalo na sa ating ANDAMYO Editorial Staff na nagsilbing tinig at tapang ng pamantasan.

Dalhin ninyo ang husay at katapatan sa bawat hakbang ng inyong bagong yugto.

Mabuhay, Batch Maharaya!
Mabuhay, mga Iskolar ng AiTECH!
Mabuhay, mga Alagad ng ANDAMYO!





Likhang-larawan ni: Joesyl Guanco

𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗥𝗲𝗮𝗹𝗺 𝗼𝗳 𝗪𝗼𝗿𝗱𝘀 — 𝗧𝗵𝗲 𝗔𝗡𝗗𝗔𝗠𝗬𝗢 𝗕𝗼𝗼𝘁𝗵 𝗔𝘄𝗮𝗶𝘁𝘀! Writers, dreamers, and storytellers—your magical journey begins at ...
19/10/2025

𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗥𝗲𝗮𝗹𝗺 𝗼𝗳 𝗪𝗼𝗿𝗱𝘀 — 𝗧𝗵𝗲 𝗔𝗡𝗗𝗔𝗠𝗬𝗢 𝗕𝗼𝗼𝘁𝗵 𝗔𝘄𝗮𝗶𝘁𝘀!

Writers, dreamers, and storytellers—your magical journey begins at 𝐓𝐀𝐆𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 2025!
Step into the 𝐀𝐍𝐃𝐀𝐌𝐘𝐎 𝐁𝐨𝐨𝐭𝐡, where creativity burns bright and every word holds a spark of spellbound power. ✍️🔥

✨ 𝐓𝐡𝐞 𝐐𝐮𝐢𝐥𝐥 𝐂𝐡𝐚𝐥𝐥𝐞𝐧𝐠𝐞 — “Write Your Magic”
Draw from the Mystic Quill Jar and let your words enchant parchment and paper.

📰𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐨𝐟 𝐇𝐞𝐚𝐝𝐥𝐢𝐧𝐞𝐬 — “Break the Spell with a Story!”
Spin tales from enchanted headlines and cast your charm through wit and storytelling.

🗝️𝐓𝐡𝐞 𝐄𝐝𝐢𝐭𝐨𝐫’𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐬𝐭 — “Seek the Story, Claim the Flame”
Embark on a quest across booths, uncover hidden clues, and find the lost ANDAMYO Seal!

🔥𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐥𝐚𝐦𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝐅𝐞𝐞𝐝𝐛𝐚𝐜𝐤 — “Light the Way for the Next Story”
Share your thoughts, dreams, and wishes—and let your flame inspire the next issue.

Dare to write. Dare to dream.
🪶 Visit the ANDAMYO Booth at TAGINTING 2025 and let your story ignite the magic!



BAGONG BALITA| Pekeng page ng AiTECH, Binabalaan ng SGA Ipinapaalala ng Student Government of AiTECH (SGA) na a...
25/09/2025

BAGONG BALITA| Pekeng page ng AiTECH, Binabalaan ng SGA

Ipinapaalala ng Student Government of AiTECH (SGA) na ang page na “AiTECH Counsel” ay hindi opisyal at walang pahintulot sa paggamit ng logo at simbolo ng SGA.

Pinayuhan ang lahat ng estudyante na i-report at i-block ang page at ang posibleng admin nitong si Marfritz Bueles.

Pinaalalahanan din ng administrasyon at ng SGA ang mga estudyante na huwag makipag-ugnayan sa anumang post ng nasabing FB page at tanging sa opisyal na mga pahina at anunsiyo lamang ng AiTECH at SGA dapat kumukuha ng impormasyon. Layunin nitong mapanatili ang tamang daloy ng komunikasyon at maiwasan ang maling impormasyon sa komunidad ng AiTECH.



EDITORIAL|HINDI NA DAPAT PINAPALAMPAS ‘TO! TAMA NA! S**ANG S**A NA ANG BAYAN!Ilang ulit na tayong niloloko, inaapakan, a...
23/09/2025

EDITORIAL|

HINDI NA DAPAT PINAPALAMPAS ‘TO! TAMA NA! S**ANG S**A NA ANG BAYAN!

Ilang ulit na tayong niloloko, inaapakan, at pinagtatawanan ng mga tiwaling nasa gobyerno.

Habang milyon ang nagugutom, trilyon ang ninanakaw. Habang ang taumbayan ay lumulusong sa baha, ang mga pulitiko ay lumalangoy sa pondo ng bayan. Habang ang mga kabuhayan ng mga ordinaryong pilipino ay nawawasak at nalulunod sa putik, ang mga opisyal na dapat naglilingkod ay patuloy sa pagbubulsa ng kaban ng bayan.

Matapos ang mga inilunsad na pagkilos, maaaring isipin ng mga trapo na ito na hanggang ingay lamang ang taong bayan. Mawawala, lilipas, at mananahimik din ang isyu. Balik sa dating gawi--ang mangulimbat sa pondo ng bayan.

Ngunit sa pagkakataong ito, patunayan nating mali ang kanilang inaasahan. Huwag nating hayaan na mamatay at maging tila isang delusyon lamang ang mga nagdaan. Isantabi ang mga kulay sa politika, at dapat may pakialam ka!

At kung sakali na kabilang ka sa mga nagkikibit balikat dahil hindi ka naman "tuwirang naapektuhan", aba sana'y mag-isip-isip ka. Subukan mong silipin ang bawat buwis na kinakaltas sayo, na sa bawat kibot mo nandoon ang sinasabing "buwis". Buwis na dapat ay nagagamit sa higit na kapakinabangan ng bayan, pero ang nangyari ay kabaliktaran. Dahil silang mga nasa taas lang ang totoong nakinabang. Mag-isip-isip ka.

Manatiling nagmamatyag, ipagpatuloy ang nasimulang ingay. Huwag titigilan hangga't walang nananagot. Hindi lamang pagrarally ang tinutukoy na pakikialam dito, marami pang paraan.
Sa kabilang banda, kung sakali man na masundan ang inilunsad na protesta. Sana ay hindi mawala ang diwa ng pagiging makatao. Tayo ay kapwa Pilipino na minamanipula ng may kapangyarihan, at sila ang tunay na kalaban.

Tandaan, hindi pa natatapos ang laban hangga't walang nangyayaring pananagutan. Ang bawat senate hearings ay hindi pa ang talagang pagpapanagot sa batas. Hangga't walang hinaharap sa korte at nababasahan ng sakdal, hindi pa tapos ang laban! Panatilihin ang sigaw ng bayan! Ano nga ba ang sigaw ng bayan?

IKULONG NA YAN! MGA KURAKOT!






🖊 Ella Mae Dionaldo

ANG LATHALA| Sa nagdaang Insight Exchange 2025, prangkang binigyan diin ni Andlynne na normalisado na ang kurapsyon sa b...
22/09/2025

ANG LATHALA|

Sa nagdaang Insight Exchange 2025, prangkang binigyan diin ni Andlynne na normalisado na ang kurapsyon sa bansa: maliit na paglabag—parusa agad; malakihang pandarambong—impunidad.

Sa kanyang pananaw, ang normalisadong katiwalian ay hindi lamang problema ng gobyerno, kundi hamon sa bawat mamamayan na maging mapanuri, matapang, at aktibong bumangon laban sa sistema ng kurapsyon. Isa itong paalala sa kabataan at komunidad ng AiTECH na ang hustisya at integridad ay nagsisimula sa bawat isa sa atin.

Si Andlynne ang bagong halal na 1st Year Governor sa katatapos lang na SGA Election 2025.



EDITORIAL | TAON-TAON, PAULIT-ULIT, PARANG SIRANG PLAKA—OVERPRICED PROJECTS, GHOST PROJECTS, NAWAWALANG PONDO!SAWANG-SAW...
22/09/2025

EDITORIAL |

TAON-TAON, PAULIT-ULIT, PARANG SIRANG PLAKA—OVERPRICED PROJECTS, GHOST PROJECTS, NAWAWALANG PONDO!

SAWANG-SAWA NA KAMI SA KORUPSYON! PRESIDENTE, SENADOR, KONGRESISTA, GOBERNADOR, ALKALDE—LAHAT KAYO, KUNG KAYO MAN AY SANGKOT SA PANDARAMBONG, AY MAY PANANAGUTAN SA SUGAT NG BAYAN!

Ubos na ang mga Pilipino sa bawat sentimong kinakalso ng malabuwayang-pangil ng mga bulsa ng tiwaling pulitiko. Sa bawat litanya ng katiwalian, patuloy na tumatagas at lumalalim ang sugat ng taumbayan—isang sugat na hindi lamang nasusukat sa pisong ninakaw, kundi sa wasak na sistemang patuloy na nilalapastangan ang kaban ng bayan.

Ito ay sadyang pag-abuso sa tiwala ng bayan.
Ito ay kanser ng lipunan na patuloy na pinapalala at pinagsasamantalahan—isang sugat na patuloy na dinudugo habang ang mga tiwaling nasa kapangyarihan ay lumalangoy sa yaman na dapat ay para sa taumbayan.

Bilang mga iskolar ng AiTECH at inaasahang magiging lider ng construction industry, bitbit namin ang integridad, propesyonalismo, at tapat na paglilingkod. Kung kaya naming magtayo ng matitibay na gusali, kaya rin naming itayo ang isang lipunan na hindi nakabatay sa pandaraya, kundi sa katotohanan at hustisya.

Hindi kami bulag. Hindi kami p**i. Hindi kami mananahimik.

Mula sa confidential funds na walang malinaw na paliwanag, hanggang sa mga overpriced na proyekto at maanomalyang kontrata sa flood control—patunay lamang ito na walang balak ikandado ang mga tiwaling nasa gobyerno.

Panahon na para singilin ang dapat na sa atin—buwis natin ito.
Panahon na para burahin ang bahid ng kasakiman sa gobyerno.
Panahon na para wakasan ang pandarambong na ginagawang negosyo ang serbisyo publiko.

Kung patuloy silang manlalamang,
Kung patuloy nilang lalapastanganin ang kaban ng bayan,
Tayo mismo ang hahawak sa kasaysayan.

Walang posisyon ang ligtas. Walang magnanakaw ang dapat makatakas.
Bilang kabataan, estudyante, at bilang Pilipino – tayo ay may kapangyarihang ipanata ang hustisya para sa bukas.





🖊 Abner Albito
✏ Mark Emil Japon

BAGONG BALITA| Mababang Voter Turnout, Nagresulta sa Invalid Election ng SGA 2025; Botohan, Pinalawig!AiTECH, Setyembre ...
11/09/2025

BAGONG BALITA| Mababang Voter Turnout, Nagresulta sa Invalid Election ng SGA 2025; Botohan, Pinalawig!

AiTECH, Setyembre 11, 2025 – Bigong maideklara ang resulta ng Student Government of AiTECH (SGA) Elections 2025 matapos na hindi umabot sa kinakailangang majority vote ang mga bumotong estudyante.

Batay sa ulat ng Student Body Commission on Elections (SBCE), tanging 43.39% ng kabuuang populasyon ng estudyante ang lumahok sa botohan ngayong taon. Dahil dito, hindi naideklara ang mga nanalo para sa lahat ng posisyon.

Dahil sa mababang voter turnout, muling binuksan ng SBCE ang online voting system upang bigyan ng panibagong pagkakataon ang mga estudyante na makilahok.

Batay sa bagong anunsyo, extended ang deadline ng pagboto hanggang Setyembre 12, Biyernes. Layon nitong masiguro na maabot ang kinakailangang majority vote at mapagtibay ang resulta ng halalan.




Address

Sitio Cabading, Brgy. San Jose
Antipolo
1870

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ANDAMYO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to ANDAMYO:

Shortcuts

Share