Robina DIEZ Chapter

Robina DIEZ Chapter Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Robina DIEZ Chapter, Sorority and fraternity, Antipolo.

10/04/2026

Robina Diez and Dakila Chapter founder

Founder Acky🤟

Isang gabi na puno ng saya, pagkilala, at makabuluhang talakayan.Nagtipon-tipon ang bawat miyembro para sa isang night o...
10/04/2026

Isang gabi na puno ng saya, pagkilala, at makabuluhang talakayan.

Nagtipon-tipon ang bawat miyembro para sa isang night of recognition and meeting, kung saan muling pinagtibay ang samahan at pagkakaisa ng bawat isa. Hindi lamang ito simpleng pagtitipon, kundi isang pagkakataon upang magbalik-tanaw sa mga nagawa, magbigay-pugay sa mga natatanging kontribusyon, at higit sa lahat ay muling bumuo ng malinaw na estratehiya at mga proyekto para sa mga susunod na buwan at taon.

Naging mas makabuluhan ang gabing ito sa pangunguna nina Founder Acky, GS Edwin, at GS Williard, na patuloy na nagbibigay direksyon, inspirasyon, at matibay na liderato upang gabayan ang bawat miyembro tungo sa mas maayos at mas organisadong hinaharap.

Ang gabing ito ay naging memorable na pagkikita ng isang solid at kumpletong samahan ng Robina Diez Chapter at Dakila Chapter—patunay na kapag nagkakaisa ang bawat miyembro, mas nagiging matibay ang pundasyon ng organisasyon at mas nagiging handa sa anumang hamon sa hinaharap.

Sa patuloy na pagkakaisa at pamumuno, tuloy ang serbisyo, tuloy ang pagkakapatiran

Isang Napakagandang Regalo ang Ating Hatid sa Paggunita ng Semana Santa mula sa Robina Chapter.Puno ng saya at pagninila...
05/04/2026

Isang Napakagandang Regalo ang Ating Hatid sa Paggunita ng Semana Santa mula sa Robina Chapter.

Puno ng saya at pagninilay ang naging paggunita natin sa banal na panahon ng Semana Santa. Sa gitna ng ating pag-alala sa hirap at sakripisyong dinanas ng ating Panginoon sa Krus ng Kalbaryo, muling nagtipon ang ating mga kabataan upang maunawaan at mabigyan ng pagkilala si Hesus at ang Kanyang walang kapantay na pagmamahal sa sangkatauhan. 🙏

Ang simpleng pagtitipon na ito ay naging makabuluhan dahil hindi lamang tayo nagbigay ng kasiyahan sa mga bata, kundi nagbahagi rin tayo ng aral tungkol sa pananampalataya, pagmamahal, at malasakit sa kapwa. Kitang-kita ang kanilang mga ngiti at sigla habang nakikilahok sa gawain, na siyang tunay na nagbibigay saysay sa ating layunin bilang isang samahan na naglilingkod sa komunidad. ❤️

Upang mas madagdagan ang saya at init ng samahan, sinamahan natin ang ating programa ng libreng sopas at gulaman, bilang simpleng handog ng pagmamahal at pagkalinga sa bawat batang dumalo. Ang munting handog na ito ay simbolo ng ating pagkakaisa at malasakit sa isa’t isa, lalo na sa panahon ng pagninilay at pasasalamat.

Maraming salamat sa lahat ng tumulong, sumuporta, at nakiisa sa gawaing ito. Nawa’y patuloy tayong maging instrumento ng kabutihan at pag-asa sa ating komunidad.

Alpha Kappa Rho Robina Diez Chapter — Nagkakaisa sa Paglilingkod, Nagmamalasakit sa Kabataan.

Para sa mga kabataan ngayong Holy Week, halika na at ating balikan ang aral at paghihirap ng ating Panginoon upang tayo ...
31/03/2026

Para sa mga kabataan ngayong Holy Week, halika na at ating balikan ang aral at paghihirap ng ating Panginoon upang tayo ay maligtas.

Libre nood na, libre chibog pa😊

12/02/2026

ROBINA DIEZ CHAPTER THEME SONG 🤟🔥

A simple yet very meaningful celebration.A night full of fun, laughter, and brotherhood at its finest.Moments worth reme...
14/10/2025

A simple yet very meaningful celebration.

A night full of fun, laughter, and brotherhood at its finest.

Moments worth remembering.

Alive we shall keep the burning fire of our brotherhood.Happy 3rd year anniversary ROBINA DIEZ
13/10/2025

Alive we shall keep the burning fire of our brotherhood.

Happy 3rd year anniversary

ROBINA DIEZ

Coming Soon...
19/09/2025

Coming Soon...

New Frat Shirt Released!Robina Diez frat shirt is officially out today.The design speaks for our pride, unity and brothe...
09/09/2025

New Frat Shirt Released!

Robina Diez frat shirt is officially out today.

The design speaks for our pride, unity and brotherhood, making it more than just a shirt--it's a statement.

52nd Founding Anniversary
19/08/2025

52nd Founding Anniversary

19/08/2025

Brod Clark Powell Ayuman

Address

Antipolo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Robina DIEZ Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share