11/10/2026
ππππ ππππππππ π
πππππππ πππππππππππ ππ πππ πππππ πππ, ππππππππππ ππ πππππππ ππ ππππππππππ ππ ππππππππ πππππππππ πππππππ (Part 2)
Matagumpay nating naidaos ang ika-58 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Tau Gamma Phi - Triskelion Grand Fraternity sa bansa noong Oktubre 4, 2026, sa Brgy. Zone I Poblacion.
Hindi magiging matagumpay ang selebrasyong ito kung wala ang tulong at walang-sawang suporta ng ating mga katuwang sa pamayanan:
Isang lubos at taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng TDAMC sa ating butihing Mayor Elvis Uy, Vice Mayor Jun Vidal, at sa ating mga kagalang-galang na konsehal na sina Kons. Jayson Pascuhin, Kons. Dadan Marasigan, Kons. Dok Mayo, Kons. Ruelan Gaela, at Former Kons. Lala Lim. Ang inyong pagtitiwala at pagmamahal sa ating kapatiran ay patunay ng matibay na pagkakaisa para sa ating komunidad.
Kabilang din sa naging tunay na sandalan ng pagtitipong ito ang pagbuhos ng oras, lakas, at malasakit nina Bro. Ivan Escasa, Bro. Onie Villapando, Bro. Con Ryan Asis, Bro. Edmon Cueto, Bro. Jesper Villarama, Bro. Bernard Aquino, Bro. Jun Inoy, Bro. Mark Bryant Veranga, Bro. Benedict VergaΓ±o, at Sis. Jazzel Deseo.
Hindi rin matatawaran ang malaking ambag ng mga Sanggre, ng Team Maoy, ng buong TDAMC Council Officers, ng ating 10 Chapters, pati na rin ng ating mga respetadong Atimonan Elders at ng buong pwersa ng LTAC. Ang inyong pagtutulungan ang nagbigay-buhay at kulay sa ating napakahalagang selebrasyon.
Malaking pasasalamat din sa Public Relations and Information Office (PRIO Atimonan) sa pamumuno ni Maβam Jean Avillaneda - Verastigue sa pagpapahintulot na maidokumento at makunan ng mga larawan ang ating pagdiriwang.
Sa pagtatapos ng ating anibersaryo, dalangin namin na patuloy pang lumago at tumibay ang samahan ng bawat Triskelion sa Atimonan sa ilalim ng gabay ng Maykapal. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa kasalukuyan kundi para rin sa kinabukasan ng ating munisipalidad.
Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat!
ARIBA TRISKELION!