09/09/2026
๐ก๐๐ช๐ฆ ๐๐๐๐ง๐จ๐ฅ๐ | ๐๐๐จ ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐ผ๐ธ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ด๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐
Sa panahong isang pindot na lamang ang pagitan ng isang tanong at sagot, muling binigyang-diin ng BCU ang kahalagahan ng wikang Filipino sa makabagong panahon nitong Setyembre 8 sa BCU MJF Function Hall.
Sa temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,โ itinampok ng programa ang patuloy na halaga ng wikang Filipino sa edukasyon at pananaliksik, kasabay ng pag-usbong ng artificial intelligence (AI) bilang bagong kasangkapan sa pagkuha at pagpapalitan ng impormasyon.
Binigyang-diin ni Vice President for Administration at Research Director Dr. Michael T. Sebullen ang papel ng AI sa pananaliksik, na inilarawan niya bilang instrumento sa pagsasaliksik kung saan nagsisilbing tulay ang teknolohiya upang magbigay-daan sa mas malawak na pananaliksik.
Pinangunahan ni Maโam Arlene Mintas ang pag-oorganisa ng programa na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa ibaโt ibang kolehiyo ng BCU. Layunin nitong palakasin ang pagpapahalaga sa wikang Filipino, kilalanin ang ibaโt ibang pamayanang pangwika at pangkultura at pag-isahin ang mga ito sa pamamagitan ng sariling wika.
Hindi rin nagpahuli ang mga mag-aaral sa pagpapakita ng kanilang talento. Tampok sa programa ang mga pagtatanghal sa pag-awit at pagtula mula sa ibaโt ibang kolehiyo. Naghatid naman ng masiglang intermisyon ang mga mag-aaral mula sa BEED, College of Business Administration (CBA) at BSED-Filipino na nagdagdag-sigla sa pagdiriwang.
Sa bawat awit at tula, higit pa sa talento ang naipamalas ng mga mag-aaral, naipakita rin kung paano nagiging daluyan ang wika ng pagpapahayag, pagkakakilanlan at kultura. Naging pagkakataon din ang pakikilahok ng ibaโt ibang kolehiyo upang magsanib ang magkakaibang tinig sa iisang pagdiriwang.
Bahagi rin ng layunin ng programa ang pagbibigay-pugay kay Manuel L. Quezon, na kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa, bilang pagkilala sa kanyang ambag sa pagsusulong ng wikang magsisilbing instrumento ng pagkakaisa ng mga Pilipino at sa pagpapanatili ng pamanang Pilipino.
Sa pag-usbong ng AI bilang bahagi ng edukasyon at pananaliksik, ipinakita ng pagdiriwang na maaaring magsilbing katuwang ang teknolohiya sa pagpapalawak ng kaalaman, habang nananatiling mahalaga ang Filipino sa pagpapanatili ng kultura at pagkakakilanlan.
Sa bawat awit, tula, at talakayan, muling umalingawngaw ang isang mensahe--maaaring magbago ang teknolohiya, ngunit hindi kailangang mawala ang wikang nag-uugnay sa mga Pilipino.
๐๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ข ๐๐ถ๐ด๐ต๐บ๐ฏ ๐๐ฐ๐ฏ๐ค๐ฆ๐ฑ๐ค๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ต ๐๐ข๐บ-๐ข๐ณ ๐๐ข๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ณ๐ฐ
๐๐ถ๐ฉ๐ข ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ฏ๐ด ๐๐ฉ๐ฆ๐ด๐ต๐ฆ๐ณ ๐๐ฆ๐ฅ ๐๐ฉ๐ถ๐ข, ๐๐ข๐ณ๐ฌ ๐๐ฐ๐ถ๐ณ๐ฅ ๐๐ฃ๐ข๐ฏ๐ค๐ถ๐ญ๐ญ๐ข ๐ข๐ต ๐๐บ๐ญ๐ข ๐๐ฐ๐ด๐ต๐ข๐ญ๐ฆ๐ด