12/08/2026
SA HAGUPIT NG PANAHON, WALANG IMBOT NA DADALUYONG ANG FIRST SEM RAGE!
Iskolar ng Bayan, militante nating harapin ang bagsik ng panahon sa pagbukas ng panibagong semestre. Sa gitna ng samu't saring krisis na kinasasadlakan ng sambayanang Pilipino, walang ibang rason kundi magkaisa para ipanawagan ang para sa mas nakabubuting kinabukasan.
Mula sa patuloy na pangangamkam ng mga imperyalismong US sa Pilipinas gamit ang Pax Silica para sa gyerang agresyon nito. Sa pahirap at kasinungalingang pinapairal ng rehimeng Marcos Jr. upang isalba ang pabagsak nitong termino na kilala sa malawakang korapsyon. Hanggang sa paglaganap ng militarisasyon at pasismo sa mga komunidad mula rural hanggang lungsod upang sugpuin ang kagustuhan ng mamamayan sa pagbabago. Higit sa lahat, malapit sa atin ang kawalan ng prayoridad sa mga batayang serbisyo tulad ng edukasyon na dapat pangunahing tinutugunan ng estado.
Sa lahat ng ito, walang nais tugunan ang administrasyon ni Marcos Jr. Kung kaya't sa pangunguna ng ACS UPB, iniimbitahan namin ang lahat ng estudyante at organisasyon na makiisa sa ating panawagan para sa kinabukasang malaya, may katarungan, at kinabukasan hinubog ng hustisya.
FIRST SEM RAGE!
BUKAS, 12:00 PM
UPB CAFETERIA
WEAR RED!