17/03/2026
Ngayong buwan ng Marso, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang Buwan ng Kababaihan bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa ating kasaysayan at sa kasalukuyang panahon. Mula sa mga kababaihang bayani noong unang panahon hanggang sa mga kababaihang patuloy na nagbibigay inspirasyon sa ating lipunan ngayon, hindi matatawaran ang kanilang ambag sa paghubog ng ating bansa. ππΉ
Ang mga kababaihan ay nagsilbing ilaw, gabay, at lakas maging sa ating pamilya, edukasyon, pamahalaan, at komunidad. Ang kanilang tapang, dedikasyon, at walang sawang pagmamahal sa kapwa ay patuloy na nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa bawat isa. Sa kabila ng mga hamon at pagsubok, patuloy nilang ipinapakita ang katatagan, talino, at kakayahang magtagumpay.πΈπ‘
Sa Buwan ng Kababaihan, ating lubos na kilalanin, ipagdiwang, at ipagpasalamat ang mga kababaihang nagsisilbing huwaran at inspirasyon sa ating lipunan. Nawaβy patuloy nating suportahan at igalang ang kanilang mga karapatan, kakayahan, at kontribusyon sa pag-unlad ng ating bayan.
Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat ng kababaihan, mga ilaw ng tahanan, haligi ng komunidad, at inspirasyon ng sambayanan!ππ©·