19/09/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ผ, ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐ผ๐๐ ๐๐๐ผ๐๐ ๐ผ๐๐๐!
Sa panahon ng Batas Militar, malaki ang naging pamumuhunan ng administrasyong Marcos sa agham at teknolohiya. Nagtatag sila ng mga institusyon, nagpundar ng mga pasilidad, at nagpatakbo ng malalaking proyektong pang-agham na diumanoโy nakalaan para sa modernisasyon ng bansa. Subalit sa likod ng magagarbong balangkas na ito, lantad ang katotohanang ang karamihan sa mga inisyatiba ay nauwi lamang sa pagkasira at pagkabigo dahil sa matinding korapsyon, kronyismo, at bulok na pamamahala.
Noon pa man, ang mga proyektong dapat sanaโy nag-aambag sa tunay na pag-unlad ng bayan ay nagsilbing butas sa kaban ng bayan at naging instrumento para sa pagpapayaman ng iilang nasa kapangyarihan. Ang mga imprastrakturang ipinundar ay hindi tumugon sa pangmatagalang pangangailangan ng taumbayan at kalaunan ay nagdulot ng dagdag na problema. Ang pagbabalik-tanaw na ito ay hindi lamang simpleng pagsusuri ng nakaraan, kundi isang malinaw na babala sa kasalukuyan: ngayon naman, malinaw ang epekto sa mga isyung gaya ng kontrol sa pagbaha at iba pang serbisyong panlipunan na hindi lubos na napagtitibay sapagkat inuuna ang pansariling interes kaysa kapakanan ng masa.
Ang Martial Law ay nagsisilbing paalala kung paanong maaaring gamitin at baluktutin ang agham at teknolohiya upang bigyang-katwiran ang mapanupil na rehimen. Sa halip na maging kasangkapan para sa kalayaan at kagalingan ng mamamayan, itoโy ginamit bilang kasangkapan ng kapangyarihan, kontrol, at panlilinlang. Kayaโt tungkulin ng mga kabataan at siyentista ng bayan na patuloy na igiit na ang agham ay dapat magsilbi sa sambayanan at hindi sa iilang naghahari-harian.
Kayaโt dumalo at magpadalo sa ating unang agos ng aktibidad para sa ating The Currents: An Educational Discussion Series.
๐
Sabado, September 20, 2025
๐งท USC Office / Online via Zoom
๐ 10:00AM to 12:00NN
Sama-sama nating alamin, talakayin, at labanan ang mga agos ng kasaysayan na patuloy na umaalipin sa bayan. Sama-sama nating paigtingin ang panawagan:
Siyentista ng Bayan, Isulong ang Laban!
Bahain ng protesta ang korap at pahirap na rehimeng US-Marcos! โ๐ผ ๐
----
๐๐ง๐๐จ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ ๐๐ฎ
UPB USC College of Science Committee
Agham Youth UP Baguio
Agham Youth UP Diliman
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ง๐ฉ๐ฃ๐๐ง
UP SIKAT