01/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
Taon-taon ay ginugunita ng Lungsod ng Baguio ang pagkakatatag nito bilang isang ๐ค๐ฉ๐ข๐ณ๐ต๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฅ ๐ค๐ช๐ต๐บ. Isang okasyon, na para sa mga estudyante ng kasaysayan, ay higit pa sa isang munting paalala ng nakaraan; isang paanyaya upang muling suriin ang mga ugat, pakinabang, at hindi pa lubos na naisasaayos na katarungan kalakip ng pagtatatag ng lungsod.
Ang Lungsod ng Baguio bilang natatanging ๐๐ฎ๐ฆ๐ณ๐ช๐ค๐ข๐ฏ ๐ฉ๐ช๐ญ๐ญ ๐ด๐ต๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ sa buong Asya ay tumatamasa ng pang-ekonomiko, pampulitika, at panlipunang kahalagahan sa loob ng mahigit isang siglo. Mula sa populasyong 489 noong 1903, ang lungsod na ito, sa ngayon, ay naging tahanan ng humigit-kumulang 301,926 residente at naging isa sa pinaka-urbanisadong lugar sa bansa. Subalit, noong sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dumanas ng napakalaking pinsala ang Lungsod ng Baguio nang sakupin ito ng mga Hapones noong 1941. Sa loob ng lungsod, itinayo ang isang garison at kampong konsentrasyon, na naging mahalagang lugar kung saan lumagda ang mga heneral na Hapones sa katipulasyon noong 1945. Idagdag pa rito ang mga hamong idinulot ng kalikasan, partikular sa 7.7 magnitude na lindol na natamasa noong 16 Hulyo 1990 na nagpabagsak sa mga imprastraktura, komunikasyon at kumitil ng maraming buhay (Estoque & Murayama, 2013; Center for Disease Control and Prevention, 1990).
Sa kabila ng maraming pagsubok, nagpatuloy ang Baguio bilang โSummer Capital of the Philippines.โ Isang titulo na ibinansag, na nakaugat sa kadahilanang paghahanap ng mga Amerikanong kolonyal ng isang lugar upang maibsan ang init ng temperatura na nararamdaman sa mababang bahagi ng kapuluan. Kaugnay nito, mahalagang balikan ang taong 1909, kung saan idineklarang ikalawang ๐ค๐ฉ๐ข๐ณ๐ต๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฅ ๐ค๐ช๐ต๐บ sa Pilipinas ang Baguio kasunod ng Maynila. Sa bisa ng Act No. 1963 na ipinasa ng Philippine Commission noong 9 Agosto 1909, opisyal na naging lungsod na ang Baguio. Kasabay nito ang pag-usbong ng mga naglalakihang proyektong pang-imprastraktura, mula sa telepono, ospital, sistema ng tubig, paliparan, at maging ang kilalang Kennon Road na nag-ugnay sa Baguio at Maynila (Estoque & Murayama, 2013; Philippine Commission, 1909).
Bagamat ipinagdiriwang ang petsang ito bilang simbolo ng pag-unlad at pagkakaroon ng sariling pamamahala, ay mayroon din itong kalakip na madilim na kabanata. Ayon sa sulat ni Ngabit-Quitasol (2025), na isinalaysay ni Cariรฑo, ang mismong Act No.1963 na nagdeklara sa Baguio bilang ๐ค๐ฉ๐ข๐ณ๐ต๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฅ ๐ค๐ช๐ต๐บ ay siya ring nagbigay ng legal na batayan para sa ekspropriyasyon ng mga lupang ninuno ng mga Ibaloy para sa Estado. Ang batas na ito, na naikabisa noong 1 Setyembre 1909, ang mismong araw rin na ipinagdiriwang ang lungsod, ay ang kasabay ring araw ng pagsisimula ng mas malalim na kwento ng mga lokal na naninirahan dito (Ngabit-Quitasol, 2025).
Bago pa man opisyal na maitatag ang ๐ค๐ฉ๐ข๐ณ๐ต๐ฆ๐ณ noong 1907, idineklara na ng kolonyal na pamahalaang Amerikano ang Baguio bilang isang ๐ต๐ฐ๐ธ๐ฏ๐ด๐ช๐ต๐ฆ ๐ณ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ณ๐ท๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ. Nangangahulugan ito na ang mga lupain sa loob ng lugar na ito ay itinuturing na โ๐ข๐ญ๐ช๐ฆ๐ฏ๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ ๐ข๐ต ๐ฅ๐ช๐ด๐ฑ๐ฐ๐ด๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ." Ito ay naging sanhi ng muling pagbukas ng usapin ukol sa institusyonalisasyon ng pagkuha ng lupain at sistematikong pagkawala ng lupang ninuno ng mga Ibaloy. Dagdag pa ni Cariรฑo, ay mula pa lamang sa simula, ang deklarasyon ng Baguio bilang ๐ค๐ฉ๐ข๐ณ๐ต๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฅ ๐ค๐ช๐ต๐บ ay nag-institusyonalisa sa pag-agaw ng lupa; ito ay nagbigay daan upang mawalan ang mga Ibaloy ng pagmamay-ari sa kanilang mga lupain sa pamamagitan ng batas na ipinasa ng pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano, na kalaunan ay pinagtibay ng pamahalaang Pilipino. Karagdagan dito, ang isyung Section 78 ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA). Ayon kay Molintas, ito ang isa sa pinakamalaking hadlang para sa mga Ibaloy na naghahabol ng kanilang lupang ninuno dahil sa diskriminasyong nilalaman nito, na salungat sa layunin ng IPRA na ipagtanggol at pangalagaan ang karapatan ng mga katutubo. Nagkaroon noon ng panawagang ibasura ito, ngunit sa halip na tuluyang bawiin ang seksyong ito, ang iminungkahing solusyon ay ang pag-amyenda na lamang sa ๐ค๐ช๐ต๐บ ๐ค๐ฉ๐ข๐ณ๐ต๐ฆ๐ณ (Ngabit-Quitasol, 2025).
Sa kaganapang ito ay masasalamin ang isang kasaysayan sa likod ng pagiging ๐ค๐ฉ๐ข๐ณ๐ต๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฅ ๐ค๐ช๐ต๐บ ng lungsod ng Baguio; may nakatagong benepisyo at pribilehiyong pangunahing natamasa ng mga kolonyal na Amerikano, samantalang ang mga naturing naninirahan sa lupang tinubuan ay nagbabayad sa sarili nilang lupain para sa mga dayuhan. Sa matagal na panahon, ang mga katutubo ay buong tapang na ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa kanilang lupain subalit nananatili ang katanungang hanggang kailan? Patuloy nga bang ibinabaon ang lihim na intensyon?
Sa pagbubunyi ng ika-117 anibersaryo ng Lungsod ng Baguio sa temang โEverlasting Baguio: Cultivating Circularity,โ ang pagdaraos nawa ay maiangkla sa kung ano ang pangunahing dahilan ng selebrasyong ito. Mabalikan ang pinagsibulan, at huwag itong makalimutan, maging ang mga istoryang sinasala upang hindi matanaw ang madilim na bahid sa likod ng isang malaking pagdiriwang. Dahil ang kasaysayan ay hindi lamang dapat ikinakahon sa iisang pananaw, sa pananaw ng banyaga o ng kung sino ang makapangyarihan (City Government of Baguio, 2026).
_____
Mga Batis
Cabreza, V. (2025, March 27). Indigenous Ibaloy knowledge built into Baguioโs circular economy. INQUIRER.Net. https://newsinfo.inquirer.net/2047263/indigenous-ibaloy- knowledge-built-into-baguios-circular-economy
Center for Disease Control and Prevention. (1990). International notes earthquake disaster - Luzon, Philippines. Morbidity and Mortality Weekly Report (MMWR), 39(34), 573โ577. https://www.cdc.gov/mmwr/preview/mmwrhtml/00001734.htm
City Government of Baguio. (2026, August 26). Ready for the Festivities? The 117th Baguio Day Calendar is Here. Republic of the Philippines City Government of Baguio. Baguio.Gov.Ph. https://main.baguio.gov.ph/media/announcements/RM9e1jMW/ready- for-the-festivities-the-117th-baguio-day-calendar-is-here
Estoque, R. C., & Murayama, Y. (2013). City profile: Baguio. Cities, 30, 240โ251. https://doi.org/10.1016/j.cities.2011.05.002
Ngabit-Quitasol, K. (2025, February 23). Exclusion from Justice: The continuing dispossession of Ibaloy ancestral lands in Baguio City. Partners for Indigenous Knowledge Philippines. https://pikp.org/2025/02/23/exclusion-from-justice-the-continuing-dispossession-of-ibaloy-ancestral-lands-in-baguio-city/
Philippine Commission. Act No. 1963 An Act to Incorporate the City of Baguio and for Other Purposes. (1901). https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/28/10815