09/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐.๐ โ ๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐๐ซ
Sa gitna ng mataas na presyo ng langis, mga pangunahing bilihin, at araw-araw na gastusin, lalong bumibigat ang kalagayan ng ating mga tsuper. Habang patuloy silang bumibiyahe upang mapanatili ang galaw ng komunidad, kapalit naman nito ang pagod, kakarampot na kita, at matinding pangambang hindi sapat ang maiuuwi sa kanilang pamilya.
Sila ang mga manggagawang nasa kalsada mula umaga hanggang gabi, nagdadala sa atin sa paaralan, trabaho, at tahanan, ngunit sa panahon ng krisis, sila rin ang isa sa mga sektor na pinakamatinding naaapektuhan. Sa kabila ng kanilang mahalagang papel sa lipunan, nananatiling kulang ang konkretong suporta para sa kanilang kabuhayan at karapatan.
Sa diwa ng kolektibong pagkilos at pakikiisa sa masa, muling inilulunsad ng Campus Alliance for Dedicated and Unified Action (CADUA) ang ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐.๐ โ ๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐๐ซ. Layunin ng programang ito na makalikom ng tulong at suporta para sa ating mga jeepney drivers na patuloy na lumalaban sa gitna ng krisis pangkabuhayan.
๐๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐ฆ๐๐๐ ๐๐ฒ ๐ก๐๐ค๐๐๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐๐ -๐ข๐ข๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ญ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐๐ซ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ.
Kaagapay ng CADUA sa inisyatibong ito ang ๐๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ข๐๐ฌ ๐๐จ๐๐ข๐๐ญ๐ฒ, na nagsagawa ng isang income-generating program upang makatulong sa pagpopondo ng aktibidad at mas mapalawak pa ang maaabot na tulong para sa ating mga tsuper. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga organisasyon at estudyante, pinapatunayan nating may lakas ang kolektibong pagkakaisa sa panahon ng pangangailangan.
Nanawagan kami sa mga estudyante, kabataan, organisasyon, at bawat indibidwal na may kakayahang tumulong na makiisa sa adbokasiyang ito. Sa panahon ng krisis, ang tunay na malasakit ay nasusukat sa ating kakayahang tumindig kasama ng mamamayan.
๐ Para sa donasyon:
GCash: 09812464784
Pangalan: ๐๐****** ๐. ๐๐ฎ****
Tumulong. Makialam. Makibaka.
Para sa tsuper. Para sa mamamayan. โ